^

PSN Showbiz

Anak ni Kris nanghingi ng pang-regalo sa Mother's Day

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Hindi na nakapagtataka kapag may mga showbiz couples na naghihiwalay. Mas nakapagtataka pa nga at very rare sa showbiz circles ‘yung mga married couples na nagtatagal. Ito ang hindi ordinaryo sa showbiz.

Gaya nang sinasabing paghihiwalay nina Ana Roces at ng asawa niyang si Greg Montenegro. May tatlong taon na palang inaayos ng dalawa ang paghihiwalay nila, ngayon lamang naging pinal. So ito ang dahilan ng pagiging visible ni Ana sa showbiz circle ngayon.

Maaring gusto niyang magpaka-bisi para madaling makalimot. Kikita pa siya in the prices although alam kong hindi pababayaan ng kanyang mister ang anak nila.

Nakatutuwa naman ‘yung balak na pagpapakasal nina Wendy Valdez at Bruce Quebral. Katunayan, sinasabing kasal na nga sila na itinanggi nila, ni Wendy, sa pagsasabing marami pa silang dapat ayusin at ihanda bago sila mag-asawa. Oo nga naman, dapat ding samantalahin nila na pareho silang may magandang trabaho, si Wendy sa showbiz at si Bruce sa abroad para mabilis silang makaipon at makapagpakasal.

In fairness, may ilan pa ring successful marriages involving showbiz couples. Tulad ng kina Aga Muhlach at Charlene Gonzales. At yung kina Richard Gomez at Lucy Torres. Feeling ko, nagtatagumpay lamang ang showbiz marriages kapag hindi nasasapawan ng mga misis ang career ng mga mister nila. Iba na kasi ang scenario kapag mas sumikat si misis kay mister.

Magandang i-mention din ang pagtatagal ng marriages nina Gladys Reyes at Christopher Roxas, William Martinez at Yayo Aguila, Albert Martinez at Liezl Sumilang. At may tatalo pa ba sa tagal ng pagsasama nina Robert Arevalo at Barbara Perez?

* * *

Tuwang-tuwa ako dun sa kuwento ni Kris Aquino kung paano niya binigyan ng pera ang kanyang mga anak dahil gustong bumili ng regalo para sa kanya para ngayong Mother’s Day. Kilig na kilig si Kris dahil gusto siyang regaluhan ng mga kids niya.

* * *

Isa si Genesis o mas kilala sa pangalang Patricia Javier sa mga business-minded member nun ng That’s Entertainment. Na-remember ko pa na nung manalo siya sa isang pakontes ng isang lingerie wear ng P1M ay kalahati lamang ang nakuha niyang cash money at ang kalahati ay mga produkto - bra, panty, etc. Aba talaga namang pinagsumikapan niyang ibenta ang mga ito para maging cash.

Kahit may asawa na si Genesis at sa US na sila naninirahan ng kanyang asawang doctor, madalas pa rin itong dumadalaw dito at never nitong nakakaligtaang puntahan ako sa Walang Tulugan.

Balita ko na kasali siya sa isang beauty contest sa Tate, ang Mrs. Asian USA. Knowing kung gaano siya kaganda at ka-talented, hindi siya madedehado dito, baka siya pa ang manalo.

Ito naman ay kung hindi magkakaroon ng favoritism sa contest. Hintayin na lang natin ang resulta.

vuukle comment

AGA MUHLACH

ALBERT MARTINEZ

ANA ROCES

BARBARA PEREZ

BRUCE QUEBRAL

CHARLENE GONZALES

CHRISTOPHER ROXAS

GLADYS REYES

GREG MONTENEGRO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with