^

PSN Showbiz

Ibinuking aktres totoong may relasyon sa maimpluwensiyang tao

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis -

Mama Salve, bumalik na si Sarah Geronimo sa Pilipinas. Dumating siya kamakalawa kaya aapir na siya ngayon sa ASAP.

Matagal na hindi napanood si Sarah sa Sunday show ng Kapamilya network at nasabik nang husto ang kanyang mga tagahanga.

May mga isyu na dapat sagutin si Sarah kaya kaila­ngang ipainterbyu na siya ni Boss Vic Del Rosario.

Tiyak na maraming kuwento ni Sarah tungkol sa matagal na pananatili niya sa Amerika. Katulad ba rin siya ni Manny Pacquiao na pinayuhan ng DOH na huwag munang makihalubilo sa mga tao dahil sa swine flu epidemic sa US?

* * *

Naloka ako sa e-mail ng reader na si Summer Zobel na pang-sexy star ang name. Ibinuking ni Summer na totoo raw na may relasyon ang isang kontrobersyal na aktres at ang maimpluwensyang mhin.

Madalas daw na nagkikita ang dalawa sa isang tagong lugar sa Tagaytay City para hindi mabulgar ang kanilang bawal na pag-ibig.

Ang sey ni Summer, kaibigan ng kaibigan niya ang may-ari ng lihim na tagpuan at ito ang nagkum­pirma tungkol sa relasyon ng aktres at ng influential personality.

Sanay makipagrelasyon ang aktres sa mga mhin na may-sabit kaya hindi ako nagduda sa impormasyon na nanggaling kay Summer, itsurang rainy season na.

* * *

May correction please ang mga supporter ni Mommy Dionisia Pacquiao. Dionisia at hindi raw Dionesia ang correct spelling ng name ng sikat na nanay ni Manny.

Importante raw na malaman ang tamang spelling ng pangalan ni Mommy Dionisia para hindi malito o magkamali ang mga reporter.

Ganyan ang kaso ng name noon ni Jinkee Pacquiao. Jinkee ang tamang spelling ng pangalan ng misis ni Manny, hindi Jinky

Dionisia ang nakalagay sa passport ni Mommy Dionisia. ’Yun din ang nakalagay sa kanyang birth certificate kaya marapat lang na iwasto ang spelling ng pangalan niya.

Puwedeng naging Dionesia ang name ng nanay ni Manny nang pumunta siya sa Amerika. Naging “Dayonesya” ang pronounciation ng mga Amerikano sa kanyang pangalan.

* * *

Sitcom ang next project ni Manny Pacquiao sa GMA 7. Naghahanap pa ng magandang materyal ang GMA para sa Pambansang Kamao.

May mga nag-suggest na pagsamahin sila ni Eugene Domingo dahil siguradong nakakaloka ang kanilang mga eksena.

Abangan natin ang announcement ng GMA tungkol sa bagong project ni Manny. Matatagalan pa ito dahil hindi pa tapos ang Totoy Bato. Matagal na hindi nakapag-taping si Manny para sa programa nila ni Robin Padilla kaya nalimutan na yata ng madlang-people na kasali siya sa cast.

* * *

Happy birthday kina Jun Lalin at Aster Amoyo. Ngayon ( May 10) ang kanilang mga kaarawan.

May party mamaya si Mama Aster sa San Juan, courtesy of Senator Jinggoy Estrada. Hindi ko pa alam ang plano ni Jun para sa kanyang birthday.

Malapit na rin ang birthday ko. Hulaan ninyo kung sino ang ka-birthday ko... Isa siyang lalake na nasangkot sa malaking eskandalo at natsismis na may sex video. Itago natin siya sa pangalang Hayden Kho.

AMERIKA

ASTER AMOYO

BOSS VIC DEL ROSARIO

DIONESIA

DIONISIA

MOMMY DIONISIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with