^

PSN Showbiz

Tindahan ng damit na ini-endorso ng aktres bibihira ang bumibili

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Super nakakakilig ang Koreanovela na Boys Over Flowers. Grabe, nag-feeling bagets kami sa preview kahapon ng nasabing Koreanovela sa Dolphy Theater ng ABS-CBN.

One week episode ang ipinapanood kahapon sa ilang press kasama na ang feeling ko ay mga fans dahil pagdating namin ay tilian na nang tilian. 

Ang Boys Over Flowers ay pagbabalik ng F4 -na kinabaliwan ng maraming Pinoy noon - na magsisimulang mapanood sa Monday na.

Hango ito sa sikat na Japanese comics na Hana Yori Dango, at bida dito ang mga Asian superstars ngayon na sina Koo Hye-Sun, Lee Min-Ho, Kim Hyun-Joong, Kim Bum at Kim Joon

Ito na raw ang pinakamalaki at pinaka-engrandeng serye na ginawa sa Korea na shinoot pa sa New Caledonia at Macau.

Nauna na itong ni-remake sa Taiwan bilang drama series na Meteor Garden ng phenomenal boyband na F4 na nananatili pa rin bilang isa sa pinakamatagumpay na Taiwanese series na ipinalabas sa Philippine television.

Nung una parang usual Koreanovela lang ang Boys Over Flowers habang pinapanood namin, pero maya-maya lang ay super kilig na ang bawat eksena.

Sundan ang kuwento ni Jan Di (Hye-Sun), isang ordinaryong babae na biglang magbabago ang simpleng pamumuhay matapos makatanggap ng scholarship sa prestihiyosong Shin Hwa College. Dito makikilala niya ang grupong Flower 4 na kinabibilangan ng pinakamayaman at pinaka-kinatatakutang mga kalalakihan sa buong campus.

Dahil sa ayaw paapi at likas na matapang at palaban, makakabangga ni Jan Di si Jun Pyo (Min-Ho), ang lider ng F4, na matapos niyang ipahiya, ay maghihiganti. Buti na lamang at andyan para sagipin siya si Jin Hoo (Hyun-Joong), ang tahimik at misteryosong miyembro ng F4.

Mapapalapit ang dalawa at mahuhulog ang loob ni Jin Hoo kay Jan Di. Ngunit lingid sa kanyang kaalaman na nabibighani na rin ang kaibigang si Jun Pyo sa nakakatuwa at kakaibang personalidad ng dalaga.

Ano na ang gagawin ni Jan Di ngayong ang dalawang kilabot ng campus ay in-love pala sa kanya? Sino ang pipiliin niya?

Naku promise, nakakaaliw siya na mapapanood pagkatapos ng Tayong Dalawa sa ABS-CBN simula sa Lunes.

* * *

Not true ang balitang may offer ang ABS-CBN kay Janno Gibbs ayon sa isang nagkuwento. Saka mukhang wala naman talaga dahil heto at kaka-launch lang ng Power of 10, isang game show na hanggang 10 million ang puwedeng mapana­lunan dahil nagmu-miltiply pala ito.

Actually, sa actual taping na napanood namin, parang Family Feud ang sistema.

Naabutan namin na naglalaban sa elimination round sina Tessa Valdez-Prieto at Allan K. Pero si Allan ang natira.

Sikat pala ito sa ibang bansa – sa 25 countries including Venezuela, Armenia, Bulgaria, Chile, Denmark, Finland, Greece, Argentina, India, Israel, Mexico, Middle East, Norway, Colombia at kung saan-saan pa.

* * *

Nakatulong kaya ang isang aktres sa benta ng isang clothing line? Parang hindi naman. Ilang mall na ang napun­tahan ko na may store ang nasabing tindahan ng mga damit na medyo may kamahalan. Pero sa tuwing madadaan ako, wala namang tao sa store o namimili.

Minsan lang nang magkaroon ng mall wide sale. May mangilan-ngilang pumapasok at namimili sa sale items sa nasabing store na endorser nga ang isang aktres. Pero kahit na. Mahina pa rin ang benta. Parang walang epekto ang malaking mukha ng aktres sa nasabing tindahan ng mga damit.

Sayang ang malaking talent fee na ibinayad sa kanya ng may-ari ng clothing line kung hindi rin naman bebenta.

ALLAN K

ANG BOYS OVER FLOWERS

BOYS OVER FLOWERS

DOLPHY THEATER

FAMILY FEUD

JAN DI

JIN HOO

JUN PYO

KOREANOVELA

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with