^

PSN Showbiz

Bea may pag-asa na kay John Lloyd

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Ngayon break na sila John Lloyd at ang girlfriend niyang si Liz Uy nagkaroon ng pag-asa ang mga fans ni Lloydie at Bea Alonzo na mauwi sa totohanan ang kanilang loveteam. Bakit naman daw hindi eh wala rin namang sabit at the moment ang aktres.

Hindi naman ikinatutuwa ng mga fans ni John Lloyd ang separation pero, kung totoo ito, gusto nilang maniwalang it happened for a reason, baka naman daw binibigyan na sila ni Bea ng tsansa.

Ang mga fans talaga walang pagsuko. Sana nga magkatotoo ang wish n’yo. Tutal mabibigyan ng maraming opportunity ang dalawa dahil ang dami-dami pa nilang projects na magkasama both sa ABS-CBN at Star Cinema.

* * *

Mahilig talagang magluto ang Pinoy at kung hindi man sila nagluluto ay happy naman silang manood ng cooking shows. Kaya nga pinanonood ang mga cooking shows, local man o canned. Si Vero nga, almost 24 hours kung manood ng mga cooking shows, halos walang patayan ng TV basta nasa bahay siya. Buti na lang dalawa ang TV sets niya sa kuwarto, nakakapanood pa siya ng ibang mga shows.

Hindi nakapagtatakang abutin ng one year ang 10-minute cooking show ng QTV 11, ang Quickfire. Bukod sa napaka-bilis ng palabas, kayang lutuin ng mga ordinaryong pamilya ang mga niluluto sa show. At grasyosa pa ang host na si Chef Rosebud. Isa pang nakaka-attract sa palabas ay ang mga ginagamit na cooking equipment. 

Sa kanyang mga anniversary episodes I’m sure marami pang bagong recipes na ilalabas ang magandang tagapagluto.

* * *

Dami nang nag-aabang ng concert ng mga American Idols na sina David Cook at David Archuleta sa Mall Of Asia concert grounds sa Martes, May 12, 8:00 ng gabi. Ang dalawa ang naglaban ng mahigpit para sa titulo last season ng American Idol. Ngayon makikita ng mga Pinoy kung sino sa kanilang dalawa ang mas mahusay.

Katulad din ang American Idol ng mga pakontes natin dito na text votes ang pumipili ng mga winners. Pero sa AI pala kahit tapos na ang pakontes ay patuloy pa rin ang pagpapasikat kahit sa mga hindi nanalo. Sana ganito rin dito sa atin, maraming magagaling sa Pinoy Idol ang hindi ko na nababalitaan. Sumuko na ba sila?

* * *

Tingnan mo nga naman, kahit pipitong taong gulang lamang si Santino, ayaw nitong mag-pelikula muna. Gusto niyang tapusin muna ang May Bukas Pa bago siya gumawa ng iba pang proyekto. Hindi nakapagtatakang panoorin ang serye niya, napaka-lovable niya, nakukuha niya ang simpatiya ng kanyang mga manonood,

Tanong ko lang, bakit naman napaka-matipuno ni Bro, sa mga eksena nito namumukol ang muscles niya? Eh di ba si Hesus, di naman ganito ka-healthy? At napaka-puti rin niya. Mas lalo pang kapansin-pansin ang pangangatawan niya kapag kaeksena niya si Santino na maliit at payat.

Balita ko, gustong mag-portray na nanay niya ni Kris Aquino.

AMERICAN IDOL

AMERICAN IDOLS

BEA ALONZO

DAVID ARCHULETA

DAVID COOK

JOHN LLOYD

KRIS AQUINO

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with