Iza Ipinagpalit ng dyowa kay Cher Calvin; Issue kay Martin nakakasawa na; Mommy Dionisia na, ayaw na sa Aling Dionisia
Bukas na ang dating ni Manny Pacquiao mula sa Los Angeles, California at sasalubungin siya sa Centennial Airport ng kanyang tatay-tatayan, si DENR Secretary Lito Atienza.
Nagsalita si Manny na tanging kay Papa Lito lamang siya may commitment bukas kaya magiging masaya na naman ang mga empleyado ng DENR dahil siguradong pupuntahan sila ni Manny.
Tumatanaw ng malaking utang na loob si Manny kay Papa Lito dahil ito ang unang-unang naniwala sa kanyang kakayahan. Nameless pa si Manny nang magkakilala sila ni Papa Lito pero ibinigay nito sa kanya ang malaking suporta.
Hindi malilimutan ni Manny ang mga kabutihan at tulong na natanggap niya kay Papa Lito na kanyang unang tinatawagan sa telepono kapag nananalo siya sa mga laban. Ganyan ka-loyal si Manny sa mga tao na hindi nagkait ng tulong sa kanya noong nagsisimula pa lamang siya sa boxing.
o0o
Mommy Dionisia at hindi na pala Aling Dionisia ang tawag sa madir ni Manny Pacquiao.
Ang nagagawa nga naman ng kasikatan sa buong mundo ng kanyang anak.
Nadagdagan ang confidence ni Mommy Dionisia mula nang i-make over siya sa Amerika. Ang laki nang iginanda ni Mommy. Mommy daw o!
Pauwi na rin ng Pilipinas ang karakter na nanay ni Manny. Maraming kuwento si Mommy tungkol sa mga aktibidades niya sa Amerika. Hit na hit ang beauty niya sa California!
o0o
Umaapela ang PSN readers. Tama na raw ang news tungkol sa naiibang pagkanta ni Martin Nievera sa Philippine National Anthem dahil nakakasawa na ang isyu.
True na nakakaumay na ang isyu pero walang big news sa showbiz kaya ang imbyernahan portion ni Martin at ng National Historical Institute (NHI) ang napagtutuunan ng pansin ng mga mahihilig sa intriga.
Napiga na ang lahat ng anggulo tungkol sa secret church wedding nina Ryan Agoncillo at Judy Ann Santos kaya ang Martin-NHI issue ang napag-uusapan nang husto.
At dahil ikinasal na sina Juday at Ryan, ang pagbubuntis ni misis ang aabangan ng mga showbiz observer. At kung nabuntis na si Juday, ang pinaglilihian at petsa ng panganganak niya ang next issues. Paulit-ulit lang naman ang mga showbiz issue noh!
o0o
Si Iza Calzado ang hinahanap ng mga reporter. Gusto nilang malaman ang reaksyon ni Iza na nakitang magka-date ang kanyang ex-boyfriend na si Jerry Garcia at ang sikat na TV newscaster na si Cher Calvin.
May idea ako sa mga question ng mga reporter kay Iza. Si Cher ba ang third party sa break-up nila ni Jerry? Ano ang sey niya na si Cher ang bagong babae sa buhay ni Jerry? Wala na bang chance na magkabalikan sila?
Mahigit tatlong dekada na ako sa showbiz kaya memoryado ko na ang mga itatanong kay Iza dahil ganyan din ang mga tanong sa mga artista noon na nakipaghiwalay sa kanilang mga dyowa!
Sa kaso ni Iza, mahirap ang long-distance relationship. Nasa Pilipinas siya at nakapirmi naman si Jerry sa US. Mahirap maka-survive ang mga long-distance relationship ek!
Matalino at magaling sumagot si Iza. Sure ako na masasagot niya ang lahat ng mga question tungkol sa kanyang lovelife.
- Latest