^

PSN Showbiz

Bagets na grupo ipapalit na sa The Hunks At Coverboys?

- Veronica R. Samio -

No doubt, mas maraming malalaking pangalan ang kasama sa Bud Brothers, isang college frater­nity na binibigyang buhay ng ABS-CBN sa isang serye na nagsimula kahapon. Pina­ngungunahan ito nina John Prats, Jake Cuenca, Rafael Rosell, Will De­vaughn, Joem Bascon, at Aaron Villena.

Ang Gigger Boys naman ay isa pa ring grupo na binuo ng network na nagtatampok naman sa mga mas nakakabata at baguhang miyembro ng Ka­pa­mil­ya tulad nina Robi Domingo, AJ Perez, Enchong Dee, Chris Gutierrez, Dino Imperial at Sam Con­cepcion. Maswerte si Aaron at siya lamang ang nag-iisang newbee na miyembro pareho ng Bud Brothers at Gigger Boys.

Katulad din ng The Hunks dati (Piolo Pascual, Car­los Agassi, Bernard Palanca, Jericho Ro­sales at Diether Ocampo) na sinundan ng Cover­boys (Zanjoe Marudo, Rafael Rosell, Will De­vaughn, atbp), layunin ng ABS-CBN na maka­likha ng isa pang sikat na grupo na magdadala ng pangalan ng network at sa kalaunan ay magiging sikat din individually.

Kaya namang tumayo ng solo ng mga miyem­bro ng dalawang grupo, ang paggu-grupo sa ka­nila ay isa lamang paraan para magkaro’n sila ng bonding at maging mag­kakaibigan. Paraan din ito para mag­­ka­ro’n sila ng healthy competi­tion at maitulak silang mai­angat ang sari-sarili nila. Hindi rin masama kung mula sa mga grupo ay magkaro’n ng rival­ry. Mas madali itong i-con­trol kapag sumikat na sila.

* * *

Masaya si Angel Locsin dahil nag­kamit ng 39.2 % nationwide rating ang first episode ng Only You, first tele­serye niya bilang Kapamilya kasama sina Diether Ocam­po at Sam Milby.

“Inaasahan ko naman na panono­o­rin ito pero hindi ganun kataas kaya grate­­ful ako sa mga sumubaybay nito at sa mga advertisers na tuma­tang­kilik nito,” anang aktres na hindi pa nakaka-recover sa saya ng isang buwang pagti-taping ng series sa Korea.

“Kahit napaka-lamig at kasagsagan ng winter at halos hindi na namin maigalaw ang mga daliri na­min, sulit naman, nagagandahan ako sa series ’di komo amin ito, maganda talaga ang istorya at nai­i­­ba. Lalong nakakaganang magtrabaho, kapag naa-ap­preciate ng mga tao yung pinaghirapan namin.”

* * *

Pasok na sa top-rating series ng Primetime Bida, ang May Bukas Pa ang nag-iisang si Lorna Tolen­tino para gampanan ang karakter ni Miriam, isang babaeng hinahanap ang kanyang nawa­walang anak.

Nasubaybayan ni LT ang nasabing series kaya na­man itinuturing niyang isang blessing ang kan­yang special appearance sa nasabing serye.

“After Maalaala Mo Kaya (MMK), ito naman. Ma­sarap mag-guest dito kasi sure ka na ang hatid mo sa manonood ay may leksyon,” pahayag ng balong aktres.

* * *

Nagbabalak ding mag-produce ng indie movie si Sharon Cuneta kaya lang bago niya gawin ito ay gusto muna niyang malaman ang lahat ng da­pat niyang matutunan sa pagpo-produce ng mga gani­tong pelikula.

“Madali lang maglabas ng budget pero gusto kong gawing tama ito para makatulong na rin sa industriya. Gusto ko ring bumalik yung panahon nung ’80s na parang Christmas yung premiere night,” sabi ng Megastar.

AARON VILLENA

AFTER MAALAALA MO KAYA

ANG GIGGER BOYS

ANGEL LOCSIN

BERNARD PALANCA

BUD BROTHERS

RAFAEL ROSELL

SHY

WILL DE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with