^

PSN Showbiz

Robi susubukan!

- Veronica R. Samio -

Matapos siyang maging finalist sa pinakahuling edisyon para sa mga teenager ng Pinoy Big Brother, ngayon lamang masusubok ng ABS-CBN kung mayroon ngang ibubuga ang isa sa pinaka-popular na runner-up nito, ang Atenistang si Robi Domingo na gaganap ng kanyang kauna-unahang major role sa kanyang showbiz career sa Boystown, isang episode ng Your Song Presents. Makakasama ni Robi sa nasabing palabas ang mga ka-grupo niya sa ABS-CBN na Gigger Boys, sina Enchong Dee, AJ Perez, Chris Gutierrez, Aaron Villaflor, Dino Imperial at Sam Concepcion.

Dinala ng direktor ng serye na si Lino Cayetano sa Boystown sa Marikina ang mga nabanggit na kabataan para magkaroon ng ideya kung ano ba talaga ang Boystown at para na rin sa kanilang workshop immersion. Akala kasi ng lahat ay isang kulungan ang Boystown para sa mga juvenile delinquents.

 “Hindi pala,” ani Robi na dahilan sa kanyang pag-aaral patungo sa pagiging isang doktor kung kaya hindi niya mabigyan ng 100% pansin ang kanyang pag-aartista.

Matatandaan na malaki ang naging bahagi ng ama ni Robi na isang doktor sa kanyang pagsali sa PBB.

* * *

Mapa-araw man o gabi, patuloy sa kanilang pamamayagpag ang mga serye ng ABS-CBN, tulad ng Tayong Dalawa at Kambal sa Uma.

Alam na nina Lola Gets (Gina Pareño) at Marlene (Cherry Pie Picache) na si Dave (Jake Cuenca) ang kakambal ni JR (Gerald Anderson) na hinahanap nila. Paano ito tatanggapin ng dalawa na magkalaban ng mortal ngayon?

Overwhelmed naman at masyadong natsa-challenge sina Shaina Magdayao at Melissa Ricks sa napakagandang pagtanggap ng mga manonood sa kanilang panghapong serye.

* * *

Napakabuti naman ng UNTV para magbigay ng libreng medical services sa media practitioners simula ngayong araw. At hindi lamang miminsanan, maga­ganap ito tuwing unang Linggo ng bawat buwan, alas-9:00 ng umaga hanggang alas-2:00 ng hapon sa opisina ng UNTV, # 907 Brgy. PhilAm, Edsa tapat ng Trinoma.

Open ito sa lahat ng nagtatrabaho sa telebisyon, rad­yo, dyaryo, magasin at mga potograpo. Kasama sa konsultasyon at check-up ang minor surgery, opto­metry, dental services, laboratory, ECG, x-ray at lib­reng gamot.

Ang free medical mission ay bahagi ng Your Public Service Channel ng UNTV na pinamu­munuan ni Daniel S. Razon at suportado ni Bro. Eli Soriano ng Ang Dating Daan. Lunes hanggang Biyernes, nagbibigay din ng libreng medical services ang Cinic ni Kuya, isang regular segment ng programa ni Daniel Razon na Good Morning Kuya, 4:30-9:00 ng umaga sa UNTV din.

Maraming mahihirap na journalist na tulad namin ang mabibiyaan nito, mga media practitioners na hindi ganun kalaki ang kita at ‘yung mga halos wala nang mapagkakitaan. Sa mga nagpasimuno nito, maraming salamat.

AARON VILLAFLOR

ANG DATING DAAN

BOYSTOWN

CHERRY PIE PICACHE

CHRIS GUTIERREZ

DANIEL RAZON

DANIEL S

DINO IMPERIAL

ROBI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with