'Maraming butas ang pag-aasawa' - Derek
Hindi aware ang marami na ang sportsman, model-turned-actor na si Derek Ramsay ay ipinanganak at lumaki sa England at doon din siya nagtapos ng unang kurso niya sa college (Chaltenham College) na physics, chemistry at math. Ang second course naman niya na marketing ay kinuha niya sa Boston, USA.
Pero sa Pilipinas naman siya nag-high school. Sa International School at Maria Montessori sa Alabang siya grumadweyt. After high school ay bumalik siya ng England kung saan naman niya ipinagpatuloy ang kolehiyo.
Si Derek ay pangalawa sa limang magkakapatid na tatlong babae at dalawang lalaki. Ang panganay niyang kapatid na si Rojinie ay may asawa na at dalawang anak. Ang isa pa niyang kapatid na babae na sumunod sa kanya na si Camela ay may asawa na rin at may tatlong anak. Si Natala naman ay wala pang asawa at ang bunso naman nilang si Derek III na 15 years old na kapareho rin ni Derek (Jr.) ay mahilig sa sports. Ang ama ni Derek na British ay ang Derek Sr.
Si Derek ay half-British, 1/4 Filipino at 1/4 French dahil ang kanyang ama ay British at ang kanyang ina naman ay half-Filipina at half-French.
Kahit sa England naka-base ang mga Ramsay, pabalik-balik sila ng Pilipinas for a vacation at dahil na rin sa negosyo ng kanyang pamilya. Nang magkaroon ng VJ hunt ang MTV, sumali at nanalo si Derek.
In one occasion, nakilala niya ang talent manager na si Joji Dingcong na siyang naging daan ng kanyang pagpasok sa showbiz at ang inaasahang bakasyon lamang ni Derek ay nagtagal at naging permanente.
Si Joji na ang nag-arrange ng San Miguel Beer commercial ni Derek kung saan siya napansin nang husto at magmula sa commercial na yun ay tuluy-tuloy na ang suwerte niya.
Kahit laking England si Derek, he was brought up properly ng kanyang mga magulang. Closely-knit ang pamilya ni Derek. Dahil nagustuhan na rin ng kanyang businessman dad ang Pilipinas, dito na ito nagpatuloy ng kanyang negosyo na may kinalaman sa electronic security at meron na itong mahigit 300 tauhan sa kanyang kumpanya.
Although tatlong taon na silang magkasintahan ni Angelica Panganiban, inamin sa amin ni Derek na meron siyang naging kasintahan, isang half-Filipina at half-French na tumagal ng apat na taon pero umaasa siya na sila na ni Angelica ang magiging mag-partner forever.
Takot nga bang magpakasal si Derek?
“Hindi sa takot ako. If I am ready, why not? If my partner wants it, it’s not going to be a problem with me. I would do that for my partner. But if I marry, that does not prove that I love her more. Marami na kasing butas ang marriage. Nawawala na kasi ang magandang concept ng marriage,” seryosong paliwanag niya.
Is Angelica the marrying kind?
“She has the qualities. Even if we were brought up differently at magkaiba ang kultura namin, we have so many things in common,” aniya.
Aminado si Derek na just like any other couples, nagkakaroon din umano sila ng problema ni Angelica pero hindi umano ito dahilan para sila’y magkahiwalay.
“Not even near to it,” dagdag pa niya.
Since pareho sila ng industriyang ginagawalan, naiintindihan nila pareho ang pressure ng kanilang trabaho.
Kahit walang binding contract sa pagitan ni Derek at ng kanyang business manager na si Joji, hindi ito problema sa kanilang dalawa dahil magkasundung-magkasundo sila at nagpapasalamat si Derek sa alagang ibinibigay ni Joji sa kabila na busy din ito sa ibang talents.
* * *
- Latest