^

PSN Showbiz

Aktres muntik layasan ang sariling show

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nagreklamo raw sa staff ng soap kung saan siya kasali ang isang actress. Napansin nitong nawawala ang character niya sa istorya at naka-focus na lang ang story ng soap sa kanyang leading man.

Kundi pa kinausap ng maayos (hinilot ang tawag ng mga taga-TV) ang actress, baka nag-resign na siya sa show. Malaking problema ang idudulot noon kung hindi siya nagpahilot dahil hanggang ending ang partisipasyon niya sa soap at sa kanila tumatakbo ang istorya.

Hindi rin naman masisisi ang writers ng soap kung nawala ang focus ng istorya sa nagreklamong actress dahil ilang linggo siyang nawala. Saka aminin man niya o hindi, mas interesado ang viewers sa istorya ng kanyang kapareha, pero marami rin ang nag-aabang tuwing siya’y lalabas sa soap, kaya pinakinggan ang kanyang reklamo at ginawan agad ng paraan.

* * *

 “It’s a fact, not a fluke,” reaction ni direk Maryo J. delos Reyes sa mga nagugulat sa mataas na ratings ng Dapat Ka Bang Mahalin? nina Kris Bernal at Aljur Abrenica.

Para sa director, ang remarkable chemistry ng dalawa at contemporary story ang sikreto ng afternoon soap sa patuloy nitong pamamayagpag at pagkakaroon ng ratings na pang-primetime soap.

Si direk Maryo rin ang magdidirek ng launching movie nina Kris at Aljur sa Regal Entertainment na kanyang sisimulan after the taping of DKBM? Sa Bohol ang location at 15 days sila roon, pero nang makausap namin si direk, wala pa siyang maisip na babagay na title para sa launching movie ng dalawa.

Naniniwala si direk Maryo na with the right movie project, magiging successful ang launching nina Kris at Aljur. Pinakikialaman din ng director ang cast na isasama sa mga bida at kailangang bagay sa character at magko-compliment kina Kris at Aljur.

* * *

Nag-email sa amin ang fans ni Nadine Samonte at nagpapatulong na iparating namin sa GMA-7 ang request nilang bigyan ng regular show ang young actress. Ang Gagambino pa ang last regular show ng dalaga at madalang siyang mapanood dahil kahit guesting ay madalang.

Nagbiro na nga rin si Nadine na mukhang kailangan niyang maging pasaway para mabigyan ng project. Dagdag pa nito, kahit kontrabida’y tatanggapin niya at willing siyang magkontrabida kay Marian Rivera sa Darna sa paniniwalang hindi nawawalan ng trabaho ang kontrabida.

Sa tanong kung posible siyang bumalik sa ABS-CBN, sabi ni Nadine, malabong mangyari ito ngayon dahil two years pa ang exclusive contract niya sa GMA Artists Center at galing na rin siya sa Dos.

May maganda kaming nabalitaan na ikatutuwa ni Nadine at ng kanyang fans. Ang actress daw ang bida sa next afternoon soap ng Ch. 7 na papalit sa Dapat Ka Bang Mahalin. Hindi kami sure sa title, kaya hindi muna namin isinulat. Hindi na pala niya kailangang maging pasaway o masangkot sa controversy dahil may next project na siya.

* * *

Sa pagpapatuloy ng Igorota episode ng Dear Friend, hindi itinuloy ni Jason (Polo Ravales) ang pagpapakasal kay Mabel (Glaiza de Castro) dahil ginipit ng mga magulang. Umuwi siya at iniwan ang nobyang hindi niya alam na buntis mamaya yun sa GMA-7.

vuukle comment

ALJUR

ALJUR ABRENICA

ANG GAGAMBINO

ARTISTS CENTER

DAPAT KA BANG MAHALIN

DEAR FRIEND

KRIS BERNAL

NADINE

SOAP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with