^

PSN Showbiz

Jennylyn parang 'di nanganak, namayat sa Belo; Martin hinihintay din sa laban ni Pacman

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Sobrang dirty talaga ng pulitika, biruin mo, sila-sila, ang saya-saya pag magka­kaharap at parang totoong magkakaibigan, pero pag talikod, literal na nagyayarian at nagsisiraan.

Clueless ang isang pulitiko tungkol dito dahil wala siyang kamalay-malay pero hindi niya alam, niyayari na siya ng kalaban.

Hay ang nagagawa nga naman ng pulitika, hindi mo maintindihan kung bakit nag-uunahan silang tumakbong presidente samantalang alam naman nilang mahirap ang responsibilidad ng presidente.

Basta ang sinasabi nila, gusto nilang magsilbi sa bayan. Ganun..

* * *

Ngayong araw na ang pinaka-hihintay na laban ni Manny Pacquiao kay Ricky Hatton.

Pero bukod sa maraming nag-aabang sa nasabing bakbakan ng dalawang magagaling na boksingero, hinihintay din ng lahat ang pagkanta ni Martin Nievera ng Lupang Hinirang.

Big deal usually ang mga kumakanta sa laban ng pamban­sang kamao, pero mas naging issue ngayon dahil nag-volunteer si Lea Salonga na kumanta na kasalukuyan ding nasa Amerika. Pero nauna na raw itong naipangako kay Martin Nievera.

Isa pang inaabangan si Aling Dionisia.

* * *

Nakakabilib din si Cong. Roman Romulo, ang bagets na kongresista ng Pasig. Ang dami na pala niyang nagawa samantalang nakakaisang term pa lang siya. Nakita ko sa ipinamimigay niyang Astig sa Pasig (ulat mula kay Cong. Romulo) na 65 na ang bilang ng authored/co-authored/house bill and resolutions ang nagawa niya, 15,000 ang pamilya na nakinabang sa NFA Rolling Store para sa murang bigas, 12, 826 ang nakinabang sa free reading eye glass.

Marami na rin siyang nabigyan ng wheel chair, multi-cab, napagawang silid-aralan, kalsadang naipagawa at marami pang ibang kawanggawa. Pero ang maganda kay Cong. Roman, hindi niya ipina­ngangalandakan. Kung hindi pa namin siya nakatsikahan ni Tita Ethel Ramos last week kasama ang sister niyang si Ms. Mons Tantoco, hindi namin malalaman ang tungkol dito.

Uy binata si Cong. Roman na isa ring abogado. Looking pa siya sa kanyang magiging misis. Ok sanang i-match si Kong. sa isang actress, pero baka na­man sabihin ng actress, ginagamit siya.

‘Wag na lang.

* * *

Proud na proud si Richard Gutierrez na na-recognized ang kanyang pag­mama­lasakit sa kalikasan. Last April 22, Earth Day, isa si Richard sa recipients ng Fr. Neri Satur Award for Environ­mental Heroism – bilang pagkilala sa kanyang pagkilos para mapanatiling malinis ang ating mundo. Ang aktor ang spokesperson ng Greenpeace at naging host ng GMA TV Special sa GMA 7 na Signos (programa tungkol sa global warming) at series na Full Force (on calamities spawned by nature’s fury).

Ang nasabing award ay ipinagkaloob ng National Commission for Culture and the Arts ng Presidential Task Force on Climate Change na binuo to honor Fr. Satur, isang batang pari sa Bukidnon deputized as a forest ranger at naging active in arresting illegal loggers. Pero nabaril siya noong 1991 sa kanyang pinamumunuang simbahan na itinuring na hero at martyr ng kalikasan.

Fr. Satur’s diocese was then headed Bishop (now cardinal) Gaudencio Rosales na isa ring awardee.

Kasama sa mga awarded – individuals, groups and entities – Infanta Bishop Julio Labayen, Timmy Cruz, Joey Ayala, Kim Atienza, Kidlat Tahimik, DZMM, DZRH at ang namayapang si Francis Magalona.

Marami nang natanggap na karangalan si Richard, pero para sa kanya, he treasures most the Fr. Neri Satur trophy dahil pakiramdam niya hero rin siya offscreen – environmental hero.

Kung sabagay superhero siya onscreern, sa Zorro at sa mga nauna pa niyang TV shows sa GMA 7.

Thankful si Richard na kahit ang daming negative publicity, hindi apektado ang Zorro.

Tuloy ang P25 million na demanda niya sa PEP kahit naglabas sila (PEP) ng imbestigasyon sa nabalitang tutukan.

* * *

Parang ‘di nanganak si Jennylyn Mercado. Ang payat na niya at parang walang nangyari.

Convinced na rin ang lahat na wala na talaga sa isip niya si Patrick Garcia. Aba ayaw na niya talagang pag-usapan ang ama ng kanya anak.

In fact, pagbalik niya after na manganak, nag-iba siya ng outlook and a fresh attitude.

Hot mama ang dating niya pagakatapos siyang dumaan sa weighloss treatments sa Belo Medical Group. “Mas masaya ako ngayon. Ramdam ko na nasa tamang direction ang buhay ko,” sabi niya kahapon sa launching ng Belo sa kanya bilang endorser.

Bukod sa nakabalik na siya sa TV, ready na rin siyang mag-concert – Jennylyn Mercado… I Am Woman kasama sina Ogie Alcasid, Janno Gibbs, Mark Herras, Richard Poon and Christian Bautista.

Ang comeback concert ni Jennylyn ay gaganapin sa May 14, 8:00 p.m. sa Music Museum na ididirek ni Calvin Neria.

Kasabay ng concert ang pagbebenta ng kanyang Reborn coffee table - a coffee table book which shares the story of her fears, anxiety, pain anticipation and spiritual joy sa kanyang unang anak.

ALING DIONISIA

BELO MEDICAL GROUP

CALVIN NERIA

CLIMATE CHANGE

JENNYLYN MERCADO

MARTIN NIEVERA

NIYA

PERO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with