Nanay ni Mega fan Ni Aiai
Mukhang mauuso ang linyang ‘‘if you want to look like any of the following: Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto and Pops Fernandez, go to Mikaela.
And if you want your weight trimmed down by 60 pounds tulad ng gagawin kay Nadia Montenegro, it’s still the clinic to go. At kung nais n’yo ring matanggalan ng balahibo o bigote, heto’t ipinagkakapuri na ni BB Gandanghari ang pag-eendorso niya ng laser hair removal by Mikaela’s Philosophy.
Pero paglilinaw ni Mikaela, her clinic which already has branches in Metro Manila and will soon rise in Manhattan, New York, hindi raw niya direktang kakumpitensiya ang Belo Clinic at Calayan Surgicentre. ‘‘Ours is non-surgical, non-invassive… kasi ang lipo.”
* * *
Most of the time, it’s our mouth that gets us into trouble.
Tulad na lang ng naibulalas ni Ai Ai delas Alas na, ‘‘Naku patay ako nito!” nang tanungin sa presscon ng Best Friends Forever kung sino ang mas love niya between Kris Aquino and co-star in the Star Cinema movie Sharon Cuneta.
Inamin ng Concert Comedy Queen na mas matimbang si Sharon all because she has known the megastar long before. Fan din kasi ni Ai Ai si Mommy Elaine, ina ni mega, who took fancy at the comedienne’s antics. Hindi rin alintana ni Mommy Elaine ang panghaharbat ni AiAi ng mga alahas sa kanya.
BFF has a doubly significant playdate: It is Star Cinema’s 16th anniversary offering and a Mother’s Day treat. Showing on May 13, this is Sharon’s comedy film after a long time.
* * *
Isa sa mga thrust ni Quezon City Councilor Aiko Melendez in the performance of her public duties is geared towards stressing the importance of education, formal as well as non-formal.
A total of 90 student-beneficiaries ang nakikinabang ngayon sa ipinatayong Tupa Day Care Center ni Aiko sa Barangay Batasan Hills sa naturang siyudad. Napagawan din niya ng school markers ang iba’t ibang elementary school sa kanyang nasasakupang District 2.
As for the out-of-school youth, may programa rin si Aiko para sa kanila as the lady councilor feels they deserve equal opportunities. Sa katunayan, napag-aaralan ng mga ito ang basic at advance computer studies at English proficiency, the initial batch of which was formed last February 16 and is scheduled to graduate this May 8, na siya ring araw ng pagsisimula ng ikalawang batch.
- Latest