Paliwanag ng PEP sa 'tutukan' ni Richard nakakapagod
MANILA, Philippines - Seen : Sold-out ang mga concert ni Sarah Geronimo sa Amerika.
Babalik na si Sarah sa Pilipinas sa susunod na linggo. Excited na ang fans niya sa kanyang pagbabalik.
Scene : Ang letter of appeal ng fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes na huwag paghiwalayin ng GMA 7 ang kanilang loveteam.
Baka pagbigyan ang hiling ng fans kung sinuportahan nila at naging consistent na mataas ang rating ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang.
Seen : Unseen si Beth Tamayo sa kasal ni Judy Ann Santos.
Matalik na magkaibigan ang dalawa. Walang nakakaalam sa kinaroroonan ni Beth. Hindi mabura ang balita na may financial problems sila ng kanyang asawa.
Scene : Confidante at bestfriend ni Ryan Agoncillo si Suzi Entrata kaya pumayag ito na maging ninang sa kasal ng kanyang kaibigan kay Judy Ann Santos.
Seen : Ang mahabang artikulo ng PEP sa imbestigasyon nila sa ‘nangyari’ sa birthday party ng direktor na si Mark Reyes. Napagod ang readers sa pagbabasa ng mahabang artikulo. May hearing sa May 5 ang libel case na isinampa ni Richard Gutierrez laban sa PEP.
Scene : Magkakapareho ang mga detalye na lumabas tungkol sa kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo dahil nanggaling ito sa Corporate Communications ng ABS-CBN. Hindi kinopya ang mga detalye sa ibang diyaryo o website.
Seen : Ang malaswang trailer ng Pitik-Bulaga, ang launching movie ng sexy starlet na si Paloma.Hindi makakapasa ang malaswang trailer ng pelikula ng direktor na si Gil Portes.
Scene : Na-pack up ang taping ng Zorro sa Subic dahil sa malakas na ulan. Ang Zorro ang pinakamagastos na TV series ng GMA 7.
- Latest