^

PSN Showbiz

Pangarap na kasal natupad

- SEEN SCENE -

MANILA, Philippines - Seen : Ang kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas. Alas-siyete ng umaga ang oras ng kanilang kasal.

Si Fr. Tito Caluag ang officiating priest.

Scene : Mga principal sponsor sa Juday-Ryan church wedding sina Mon Isberto ng Smart Commu­nications at dating co-host ni Ryan sa Mornings@GMA, photographer Bien Bautista, Suzi Entrata- Abrera, ang bestfriend ni Ryan, ang uncle ni Ryan na si Benjie Gonzales, Director Rory Quintos at Jane Buencamino, ang road manager ni Juday.

Seen : Si Sharon Cuneta ang matron of honor at Bestman si Dondi, ang kapatid ni Ryan.

Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang kumanta ng The Prayer sa Offertory.

Scene : Ang sulat na ipinadala ng ABS-CBN sa GMA 7 na sila ang may hawak ng exclusive rights sa kasal nina Ryan at Judy Ann.

Seen : Tsinelas ang ipi­nadalang imbitasyon nina Ryan at Judy Ann sa kanilang mga imbitadong bisita. Makukuha ng mga bisita ang kapareha ng tsinelas sa wedding recep­tion na ginanap sa Anilao, Batangas.

Scene : Hindi naili­him nina Judy Ann at Ryan ang araw ng kani­lang kasal. Ang Seen/Scene ng PSN ang unang naglabas (naka-SCOOP) ng balita na ka­ha­pon ang petsa ng ka­nilang pag-iisang-dibdib.

Sinadya ng SEEN/SCENE na huwag isulat ang kumpletong detalye ng kasal bilang pagga­lang sa kahilingan ng bagong kasal na maging pribado ang importan­teng araw sa buhay nila.

Seen : Pinupuri sina Ryan at Juday dahil na­tupad ang kanilang ka­gus­tuhan na maging pribado ang pagpapa­kasal nila.

Hindi naging circus ang kanilang altar date.

Scene : Ang Corpo­rate Communica­tions ng ABS-CBN ang nama­hagi sa entertainment press ng mga litrato na kuha mula sa Santos-Agoncillo nuptials.

Si Patrick Uy ang official photographer.

vuukle comment

ANG CORPO

BATANGAS

BENJIE GONZALES

BIEN BAUTISTA

JANE BUENCAMINO

JUDAY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

RYAN

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with