^

PSN Showbiz

Dingdong at Marian huli nang nag-aminan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nai-announce na ni Sharon Cuneta sa Sharon ang kanyang Mega 30 Concert Tour sa North America na magsisimula sa May 23, sa Las Vegas at magtatapos sa June 14, sa Houston, Texas. Kundi May 18 ay May 19 ang alis ni Sharon at hihintayin muna ang showing ng BFF (Best Friends Forever) nila ni AiAi delas Alas sa May 13, sa direction ni Wenn Deramas.

Kasama ni Sharon sa kanyang US Tour ang anak na si KC Concepcion na guest din sa kanyang concert. Dahil matagal ang tour, tigil muna ang taping ni KC ng Lovers in Paris nila ni Piolo Pascual. Habang hindi pa umaalis, panay ang taping nito para may pondo sila.

* * *

Tuwang-tuwa ang mga fans nina Marian Rivera at Dingdong Dantes sa napanood nila sa sa SOP at Showbiz Central na nag-lips-to-lips ang dalawa na wala sa script. Sa huling show pa nga, nag-aminan sila ng nararamdaman sa isa’t isa.

Sabi ni Marian, “Mahal ko siya” na sinagot ni Dingdong nang pag-aming “Mahal ko rin siya.”

Iyon nga lang, nag-aminan sila kung kailan matatapos na ang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na hanggang this week na lang at kung kailan, paghihiwalayin muna ng GMA 7 ang kanilang tambalan.

Gagawin ni Marian ang Darna o Narda na hindi na si Dingdong ang makakapareha at magsisimula na siyang mag-training. Kuwento ng manager nitong si Popoy Caritativo, ang gagawin ni Marian, one-hour training at one-hour workout na never pa palang nag-gym, kaya kailangang ikondisyon ang sarili bago sumabak sa workout.

* * *

Biglang sumulpot si Paulo Avelino sa Annex Building ng GMA 7 kung saan ginawa ang storycon ng Adik sa ’Yo. Akala namin kasama siya sa cast, pero tapos na ang storycon nang dumating ito, kaya inisip naming napadaan lang ang aktor.

Until may nagtsika sa aming type ni Paulo si Jennica Garcia na kasama sa cast ng rom-com series at leading lady ni Dennis Trillo. In fairness, dumating ang young actor na tapos na ang storycon at hindi naman sila nakitang nag-usap, pero tiyak na alam ng young actress na nasa labas ng room ang binata.

Walang masasagasaang relasyon si Paulo kung liligawan si Jennica dahil break na ito at si Mart Escudero. Ang dapat lang ilagan ay si Dennis na bagong kapareha ni Jennica at si direk Joel Lamangan na ipinagbabawal sa cast ang magpadalaw sa taping. Nasagot na rin ang tinatanong namin kay Jennica kung sino ang Kapuso young actor na may crush sa kanya.

* * *

Galit ang isang aktor sa nakikialam sa relasyon nila ng kanyang girlfriend at sa sobrang galit, nakapagmura ito at kung anu-anong bad words ang lumabas sa bibig. In fairness to him, nagso-sorry ang aktor tuwing matatapos magmura nang super lutong ha!

Galit ang aktor dahil pinapalaki raw ang mga balita sa kanila ng kanyang nobya at kawawa ito sa negative impression ng tao sa dalaga. Mabuti na lang daw at mabait ang GF at ’di nagre-react kahit anong paninira ang nasusulat tungkol sa kanya.

* * *

Sa huling Martes ng Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, mapapanood ang makapigil-hinigang laban nina Homer (Dingdong) at Rado (Paolo Contis) dahil kay Proserfina (Marian). Kuwento ni Paolo, from 8 a.m.-6 p.m. kinunan ang isang eksena nila ni Dingdong dahil gusto ni direk Joyce Bernal na mapaganda ang eksena.

Ang ayaw itsika ni Paolo ay kung mamamatay siya sa laban nila ni Dingdong at nakialam daw sila sa eksena kung paano gagawin. Gusto uling makasama ni Paolo ang kaibigan at sana raw, hindi sila magkalaban dahil in real life, good friends ang dalawa.

AKING TADYANG

ANG BABAENG HINUGOT

ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG

ANNEX BUILDING

BEST FRIENDS FOREVER

CONCERT TOUR

DENNIS TRILLO

JENNICA

KUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with