'Di na sa May 2: Kasal nina Juday At Ryan mapapaaga
MANILA, Philippines - Seen : Hindi sa May 2 ang kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo.
Mas maaga ang petsa ng kanilang pagpapakasal at mangyayari ito sa isang lalawigan sa Southern Luzon.
Scene : Ang statement kahapon ni Regine Velasquez sa SOP, na lahat sila ay nasa likod ni Wilma Galvante, ang GMA 7 executive na mortal na kaaway ni Annabelle Rama.
Nag-aalala ang fans ni Regine dahil baka madamay siya sa gulo.
Seen : Kanselado ang concert ng La Diva sa Los Angeles. Itutuloy sa ibang araw ang nakansela na concert nina Jonalyn Viray, Aicelle Santos at Maricris Garcia.
Disappointed ang La Diva dahil matagal na nilang ipina-plug ang kanilang show.
Scene : Mamayang gabi ang pilot telecast ng Only You ng ABS-CBN.
Mga bida sa Only You sina Angel Locsin, Sam Milby at Diether Ocampo.
Seen : Si Ruffa Gutierrez at ang kanyang mga anak na sina Venice at Lorin sa Mall of Asia noong Sabado ng gabi.
Sinuportahan nila ang grand launch ng Gutz and Glory, ang perfume ni Richard Gutierrez para sa Bench.
Scene : Ayaw pa ni BB Gandanghari na magpainterbyu tungkol sa pagbabawal sa kanya na makapasok sa Aruba Bar & Restaurant.
Naninindigan si BB na babae siya kaya hindi masama na magbihis-babae siya. Kailangan ni BB ng reality check.
Seen : Ang 3 Stars and A Sun T-shirt ni Francis Magalona ang isusuot ni Martin Nievera sa pagkanta niya ng Philippine National Anthem sa laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton sa Las Vegas.
Ang gagawin ni Martin ay tribute niya sa yumaong rap singer.
Scene : Napaluha si Senator Mar Roxas nang sabihin ni Korina Sanchez na siya ang totoo sa mga lalake na nakilala ng matapang na broadcast journalist.
Nag-guest ang dalawa sa Wowowee noong Sabado at dito nila ipinahayag ang pagmamahal nila para sa isa’t isa.
- Latest