^

PSN Showbiz

Paano maging beauty queen sa L&S?

-

Ang Pilipinas ay bansang hitik ng mga kagandahang nag-uwi ng korona at titulo mula sa iba-ibang beauty pageant na kanilang nilahukan. Ilan lamang sa nagbigay ng karangalan sa RP ay sina Gloria Diaz, Melanie Marquez, Margie Moran, Evangeline Pascual, Ruffa Gutierrez, Miriam Quiambao at Precious Lara Quigaman.

Tampok sa Life and Style with Ricky Reyes alas10:00 hanggang alas-onse ng umaga ngayong Linggo sa QTV-11 sina Bb. Filipinas-Universe 2002 Karen Agustin, Bb. Filipinas-World 2003 Mafe Yulo Velasco, Ms. Earth Water 2008 Catherine Untalan at Ms. Earth 2008 Karla Paula Henry na magbibigay ng tips kung paano maging isang beauty queen na tulad nila. Magkakaroon pa ng mga palaro sa programa kung saan patutunayan ng apat na hindi lang ganda ng face ang angkin nila kundi talento at talino.

Sa TESDA BIDA ay gagampanan ni Tyron Perez ang papel ni Sunday Villanueva na isang dating security guard na matapos maging Tesda scholar ay kumikita na ngayon ng mas malaki bilang Call Center Agent.

Ilalahad naman ni Mayor Marides Fernando ang kasaysayan ng Pinay na si Sunshine Plata. Nakilala si Sunshine sa buong mundo matapos mai-feature ang kanyang mga coffee painting sa Ripley’s Believe It Or Not.


vuukle comment

BELIEVE IT OR NOT

CALL CENTER AGENT

CATHERINE UNTALAN

EVANGELINE PASCUAL

GLORIA DIAZ

KAREN AGUSTIN

KARLA PAULA HENRY

LIFE AND STYLE

MAFE YULO VELASCO

MARGIE MORAN

MAYOR MARIDES FERNANDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with