Empress rarampang Reyna Elena
Ang Mayo ay buwan ng mga piyesta, bulaklak, ng Birheng Maria, at siyempre ng Santacruzan.
Ang Santacruzan ang nagpapatingkad sa araw-araw na pagrorosaryo at paghahandog ng mga bulaklak ng mga maliliit na bata para sa karangalan ng Birheng Maria.
Sa bayan ng Binangonan, Rizal, ito ay siyam na araw na lutrina sa pagkatagpo ni Santa Elena sa krus.
Sa ganitong pagdiriwang ay nakaugalian ng bayang Binangonan ang magdaos ng Santacruzan na nagsisilbing tampok sa kapistahan ng Mahal na Krus sa Barangay Libid.
Ayon sa liga president, Larry G. Arada, cultural affairs chairman, Kgd. Caloy Mesa, and Gomer O. Celestial, project coordinator, ang Santacruzan ay gaganapin sa Mayo 3 sa ganap na ika-7:00 ng gabi.
Magbibigay ng kulay at sigla sa nasabing pagdiriwang ang bituin ng telenovelang UnderAge sa Channel 2 na si Empress Schuck bilang Reyna Elena at Tamara Mangulabnan bilang Reyna Elena 1 at si Limmuel Celestial bilang Constantino.
- Latest