BB 'di pinapasok sa bar
Napaaga pala ang panganganak ni Mylene Dizon. Next month pa ang kanyang due date pero nagsilang na siya ng healthy baby boy noong nakaraang linggo.
Lucas Miguel ang pangalan ng second child nina Mylene at Paolo. Kahit dalawa na ang anak nila, wala silang commitment pero hindi nakikipag-date si Paolo sa ibang girl dahil may respeto raw siya kay Mylene.
Lilipad si Paolo sa Amerika sa Lunes para dalawin si Mylene at ang kanilang bagong silang na bagets.
* * *
Nag-emote si BB Gandanghari sa kanyang Internet blogspot dahil ipinagbawal daw ng management ng Aruba Bar & Restaurant sa Metrowalk na makapasok siya.
Ipinagbabawal daw kasi ng management ang mga cross-dresser sa loob ng kanilang bar at nangyari na ito noon kay Inday Garutay.
Nag-e-emote si BB dahil babaeng-babae ang kanyang pakiramdam at tingin sa sarili kaya hindi makatarungan na hindi siya papasukin sa Aruba Bar. Hindi raw niya tuloy napanood ang show ng kanyang friend na si Rannie Raymundo.
Ang alam ko, walang nangyari noon sa reklamo ni Inday laban sa Aruba Bar. Kusang namatay ang isyu pero nabuhay uli ito dahil sa nangyari kay BB.
Imbes na mag-emote at maimbyerna si BB, mas makabubuti na dedmahin niya ang nangyari. Igalang na lang ni BB ang rules ng Aruba. After all, marami pang bar sa Metro Manila. Hindi ang Aruba ang nagsosolong bar, ‘di ba?
* * *
Sinubukan ng Startalk staff na kunin ang panig ni BB tungkol sa pagkaimbyerna niya sa Aruba Bar & Restaurant.
May nag-try din na kunin ang side ng Aruba management pero walang sumasagot sa telepono nila. Maaga pa kasi ng tumawag ang mga reporter sa office ng Aruba pero hindi raw sila titigil hangga’t hindi nakukuha ang panig ng management.
* * *
Lalabas na ang coffee table book ni Jennylyn Mercado. Magkakaroon ng pre-selling ang libro sa araw ng concert ni Jennylyn sa Music Museum sa May 14.
Reborn ang title ng coffee table na akala ng iba eh press release lang dahil napakatagal bago lumabas.
Aligaga na si Jennylyn sa promo ng kanyang concert at coffee table book kaya tumahimik na ang mga nang-iintriga na drawing lang ang kanyang mga project.
Eight months na ang anak nina Jennylyn at Patrick Garcia na si Alex Jazz. Malapit nang maglakad ang bagets pero hindi pa ito nasa-sight ng kanyang ama.
Ini-encourage ni Jennylyn si Patrick na bumili ng maraming kopya ng coffee table book dahil mapupunta raw sa trust fund ng kanilang anak ang kikitain ng Reborn. Bumili kaya si Patrick ng maraming kopya?
* * *
“ In God’s time” ang sagot ni Jennylyn nang itanong namin nina Joey de Leon, Butch Francisco at Ricky Lo ang puwedeng gawin ni Patrick para magkasundo na sila.
Base sa sagot ni Jennylyn, wala siyang balak na makipag-reconcile sa ama ng kanyang anak.
Saka na lang daw siya mag-iisip ng sagot kapag naghanap na ng tatay ang anak nila ni Patrick . Pupusta ako na darating ang araw na magiging maganda uli ang relasyon nina Jennylyn at Patrick dahil walang sugat na hindi ginagamot ng panahon.
- Latest