^

PSN Showbiz

Pocketbook love stories iti-TV na!

-

Ang pinakasikat na Pinoy “kilig” pocketbooks na paborito nating basahin ay mapapanood na sa TV.

Mayo ang bagong buwan ng pag-ibig dahil ihahatid sa inyo ng ABS-CBN ang best-selling at “pinakamamahal” na mga pocketbooks of all time—Precious Hearts Romances Presents. Para sa unang handog nito, ihahatid ng Precious Hearts Romances ang Bud Brothers series, sa panulat ni Rose Tan na kilala ng mga romance readers dahil sa kanyang kakaibang pagsasalaysay ng kilig at katatawanan.

Ang Bud Brothers series ay umiikot sa isang grupo ng college fraternity brothers na nagtayo ng isang negosyo, ang Bud Brothers Flower Farm, kasama ang mga magigiliw at magagandang kababaihan na kanilang iibigin.

Aasahan ng mga romance readers ang parehong tuwa at kilig na nabasa nila sa mga pocketbooks sa pagpapalabas ng series sa TV, dagdag pa rito ang nakaka-excite na elemento ng mga bagong loveteams na hindi pa nakikita sa TV. Pinapangunahan ng sweet at sexy couple na sina Cristine Reyes at Jake Cuenca, ilan din sa mga loveteams na inyong dapat abangan ay sina Rafael Roell at Marielle Rodriguez, Will Devaughn at Valerie Concepcion, Joem Bascom at Wendy Valdez, Ahron Villena at Maricar Reyes (si ‘Candy’ bilang dating leukemia patient at ex-girlfriend ni Armando Solis sa I Love Betty La Fea), Pinoy Fear Factor participants na sina Manuel Chua (Supermanuel) at Janna Dominguez, kasama rin ang new hunk-singer na si Guji Lorenzana at Roxanne Guinoo at John Prats at Denise Laurel. Plus, isa pang loveteam na inyong dapat abangan sa pagtatapos ng series.

Sa direksyon ng ilan sa mga tanyag na mga direktor ng ABS-CBN, Jerry Sineneng at Cathy-Garcia-Molina, at sa panulat sa telebisyon ng ilan sa mga nangunguna sa scriptwriting, Mel Mendoza-del Rosario, Michiko Yamamoto at Jose Javier Reyes, gawin niyong pang-kilig sa hapon ang panonood ng series na ito.

vuukle comment

AHRON VILLENA

ANG BUD BROTHERS

ARMANDO SOLIS

BUD BROTHERS

BUD BROTHERS FLOWER FARM

CRISTINE REYES

DENISE LAUREL

GUJI LORENZANA

I LOVE BETTY LA FEA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with