^

PSN Showbiz

Pia 'di maganda sa tanghali

- Veronica R. Samio -

Anim na pelikula ang magkakasunod na ipapa­la­bas simula April 29 hanggang June 16 sa mga sine­han ng SM para sa Sine Direk, isang proyekto ng Directors Guild of the Philippines (DGPI) at APT Entertainment Inc. ni Tony Tuviera.

Sa anim na pelikula, dalawa ang pinagbibidahan ni Gloria Romero, ang Fuschia at Kamoteng Ka­hoy. Matagal nang tapos ang kay Lamangan, katu­nayan nominado si Gloria bilang best actress ng PMPC Star Awards for Movies na magaganap ang awards night sa susunod na buwan.

May apat na shooting days pang natitira ang Ka­mo­teng Kahoy ni Gloria para sa pelikula ni Delos Reyes na kung saan ay gumaganap siya ng role ng isang matagal nang nagluluto ng kakaning biningka na pumatay ng mga 27 katao na ang karamihan ay mga bata. At naging dahilan ng pagkakaospital ng ma­higit sa 100 katao.

Dalawa naman ang asawa niya sa pelikula ni Lamangan na Fuschia, si Eddie Garcia na pumunta ng Amerika for greener pasture. Matagal siya nitong iniwan kaya nag-asawa siya sa kaibigan nito na si Robert Arevalo.

Bumalik si Eddie na isa nang mayaman at nagpa­gawa ng bahay at inalok sila ni Robert na tumirang kasama nito.

Sa kabila ng kanyang edad ay tinanggap ni Gloria ang dalawang pelikula kahit napaka-liit ng kanyang talent fee (TF) dahil parehong maganda ang kanyang mga roles at iginalang naman ng produksiyon ang kan­yang working hours. Hindi siya puwedeng magpuyat dahil sa kanyang vertigo kaya maagang napa-pack up ang shooting kapag kasama siya.

Isa pang pelikula na kasama sa Sine Direk na hindi pa natatapos ay ang Bente ni Mel Chionglo. Nagkaproblema ito sa sked ng kanyang mga artista. Bukod sa nahirapan siyang (Direk Mel) humanap ng makakapalit ng namatay na si Marky Cielo na pinalitan ni Aldred Gatchalian, nag-back out din at the last moment ang isang young female star na gaga­nap sana ng role ng isang aktibista. Kasama rin sa pe­likula sina Sen. Jinggoy Estrada, Richard Gomez, Iza Calzado, Ricky Davao, Glaiza de Castro at Snooky Serna.

Sa Litsonero naman ay nag-abono pa si Paolo Contis, ang gunaganap ng title role. Naubos na ang budget para sa pelikula nang hindi pa ito natatapos ni Lore Reyes. Kailangan pang pumunta ng Macau para kumuha ng ilang mahalagang eksena kaya gumastos na sila ni Lore ng sarili nilang pera.

Comedy ang Ded na si Lolo ni Soxie Topacio tung­kol sa patay at ang paghihirap na dinaranas ng mga namamatayan at ang maraming pamahiin tungkol sa patay. Hango ang pelikula sa namatay na tiyahin ng direktor. Malalaking artista rin ang pumayag makasali sa pelikula (Gina Alajar, Roderick Paulate, Elizabeth Oropesa, Rainier Castillo).

Isa namang love story ang Agaton & Mindy ni Peque Gallaga tungkol sa dalawang kabataang parehong may problema sa buhay. Tanging ang hilig nila sa pagsasayaw ang magsisilbing hamon para malampasan nila hindi lamang ang kanilang problema kundi maging ang umuusbong na damdamin nila sa isa’t isa. Malalaking artista ang kasama ng dalawang baguhang sina Chase Vega at Louise delos Reyes sa pelikula.

* * *

Suwerte ng dalawa sa major cast ng Tayong Dalawa, sina Coco Martin at Alessandra de Rossi dahil ang mga indie films na ginawa nila ay kasali sa Cannes Film Festival. Now, more than ever, hindi nagkamali ang Dos na i-cast sila sa teleserye na pawang award winners ang gumaganap.

Dalawa ang pelikula ni Alex, ang Manila na kung hindi ako nagkakamali ay prodyus ni Piolo Pascual at ang Kinatay kung saan kasama si Coco.

* * *

Ang ganda-ganda ni Pia Guanio nung mapanood ko sa Chika Minute ng 24 Oras. Ang ipinagtataka ko lamang ay bakit hindi siya ganito kaganda sa Eat Bulaga. Parang hindi siya nag-aayos tuwing tanghali na hindi dapat sapagkat bilang artista, obligasyon niya na palaging maging maganda.

* * *

Sa pag-upo kaya ni Jomari Yllana sa Don’t Lie To Me ng Showbiz Central ay may sagot siya sa latest response ni Martin Nievera tungkol sa mga sinabi niya sa programang Cool Center? Ewan ko sa inyo pero, ako aabangan ko ito.

Pareho namang nanalo sa kanilang mga laban sina Donaire at Viloria pero bakit parang si Donaire lamang ang parang binibigyan ng importansiya? Heto nga at may episode siya sa SC na kung saan sasabihin niya kung bakit sa kanyang ama niya inihahandog ang kanyang panalo. Dahil ba sa mas makulay ang buhay niya kesa kay Viloria?

May isyu pala kina Aljur Abrenica at Kris Bernal, kung ano ito malalaman sa pagharap nila sa Intriga Crossfire. Mamayang hapon na!

* * *

Sa pagtatapos ng linggo sa All About Eve, si Erika (Sunshine Dizon) na ang bagong host ng AAE. Nalaman na rin ni Alma (Eula Valdez) ang tungkol kay Katrina (Jean Garcia). Ano ang magiging resulta ng pang-aaway niya kay Katrina, ang pag-aaway nina Warren (Alfred Vargas) at Paul (Keempee de Leon)?

ALDRED GATCHALIAN

ALFRED VARGAS

ALJUR ABRENICA

PELIKULA

SHY

SINE DIREK

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with