^

PSN Showbiz

Movie na prodyus ni Piolo Pascual ka-join sa Cannes

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Naku, ang dami nang nakaka-miss kay Billy Crawford, unang-una na siguro si Nikki Gil.

Wala pa si Billy dahil bukod sa inaasikaso nito ang lagay ng kanyang recording sa US ay kasama ito sa grupo ni Sarah Geronimo na may US Tour.

Request ng mga fans niya na magkasama sana sila ni KC Concepcion sa isang project pero may nagawa nang series si KC with Piolo Pascual at pagkatapos nito ay may gagawin pang movie si KC kaya kung pag-iisipan man sila ng project na dalawa, baka matagalan pa ito.

* * *

Kahit na hindi na sila magkarelasyon sa pag-ibig tuloy pa rin ang pagiging business partners nina Karylle at Dingdong Dantes. Ewan ko lang kung nagkikita sila ng personal para sa kanilang negosyo o ipinauubaya na nila ito sa kanilang mga katiwala.

Ewan ko rin kung totoo yung nabalitaan ko na inimbita ni Karylle si Dingdong sa kanyang birthday pero, hindi ito nakarating. Bakit kaya?

* * *

Napanood ko sa SOP nung Linggo ang anak ni Francis Magalona na si Arkin. Nagsayaw ito kasama ang iba pang kabataang artists ng GMA 7. Aba, marunong pala itong magsayaw, at guwapo pa! Bukod kay Maxene, mayro’n nang isa pang sumusunod sa yapak ni Francis.

Kung mag-aartista palang lahat ang anak ni Kiko at Pia, hindi na kukulangin pa ang industriya ng entertainment.

* * *

Bakit hindi mo sila kumbinsihin, Pia?

Maswerte namang maituturing si Kiko, malakas ang demand ng kanyang T-shirt, patuloy rin ang kanyang naudlot na recording. Salamat sa isang Ely Buendia na bubuhayin ang kanyang mga naiwang komposisyon.Tapos eto at isa-isa nang nagpapakitang gilas ang kanyang mga anak. Hindi lamang si Francis ang matutuwa niyan kundi maging ang mga lolo’t lola nila na sina Pancho Magalona at Tita Duran. Balita ko rin excited ang mga kapatid ni Francis sa pagpasok sa showbiz ng kanilang mga pamangkin.

* * *

Congratulations kay Piolo Pascual! Nag-produce pala ito ng isang indie film at isa sa tatlong pelikulang Pinoy na mabibigyan ng special screening sa Cannes Film Festival.

vuukle comment

BAKIT

BILLY CRAWFORD

CANNES FILM

DINGDONG DANTES

ELY BUENDIA

EWAN

FRANCIS MAGALONA

KARYLLE

PIOLO PASCUAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with