Channel [V] nasa SkyCable na rin
Ang lumalakas na sports and entertainment cable channel na Makisig Network, sa pamamagitan ng presidente nilang si Jacque Ruby, ay nag-anunsyo kamakailan na ang newly-acquired international music channel na Channel [V] ay mapapanood na sa SkyCable (Channel 25) starting May 1.
Ang pahayag ni Ruby ay ginanap sa gitna ng mga activities na ginawa ng istasyon para sa preparasyon ng music channel’s big launch sa June. Idinagdag pa niya na meron silang negosasyon sa isang malaking international artist para mag-concert sa Manila sa Hunyo.
Si Ruby ang nagsimula at nakikipagnegosasyon sa Star TV para mabili ang rights at maiere ang Channel [V], ang Southeast Asia’s leading music and lifestyle channel.
Katuwang ang creative director na si Jose Javier Reyes, pangungunahan nila ang paglalabas ng Channel [V] Philippines’ block. Ang unang tatlong palabas na ilulunsad ng istasyon ay Popcorn, Scene and Heard Philippines, at Playlist Philippines.
Ang Popcorn ay para sa mga movies, TV, sports or concert venue, atbp. kaya bagay ito sa pop culture na hip, trendy, bago, sikat, cool o kahit corny pa.
Ang Scene and Heard Philippines ay ang VIP pass ng mga manonood para sa mga coolest happenings sa Metro — gigs, concerts, at events.
Ang Playlist Philippines ay 30-minute daily program ng mga music videos sa iba’t ibang uri — rock, pop, country, rap, R&B, at OPM. Magkakaroon ng theme sa bawat episode para ma-spice up ang show na ang host ay magbibigay ng trivia at news para sa mga artists nila.
- Latest