Karylle 'di maalalang isinayaw ni Jericho
Masayang ibinalita ng mga nasa likod ng seryeng Only You ng ABS-CBN na hindi pa nga airing ang naturang serye pero marami nang advertiser ang pumasok! Napanood lamang ang Only You sa trade show na ibibigay ng Dos pero agad nang pinagkatiwalaan ito ng mga advertiser.
Sa napaka-ikling trailer na napapanood ngayon, kita agad ng tao na mayroong chemistry sina Angel Locsin at Sam Milby. Ganun din sina Angel at Diether Ocampo. May kilig effect ‘yung kissing scene nina Angel at Sam. Mayroong naramdamang kung ano ang mga nakakapanood nito kaya’t excited na silang masimulan ang serye.
“Maski sa pictorial pa lamang, nakita’t naramdaman na agad ang chemistry na ito. May kinalaman din dito ng malaki ang ginawang bonding at acting workshops before our actual shoot,” ani Jerome Pobocan, direktor ng serye.
Walang pinagparisan, tinularan o kinopya ang director sa original series, maliban na lamang sa orihinal na plot o istorya at ang mga main characters nito.
“Ito ang nagbigay sa amin ng pinaka-malaking challenge, kung paano gawing Pinoy ang serye. Pero hindi ko pinalitan ang istorya, may mga ginawa lang kaming cultural adjustments para maging Pinoy ito, ” dagdag pa ni Pobocan.
Wala si Sam sa presscon para sa serye pero nagpadala ito ng message clip mula sa US na kung saan meron siyang Heartthrob concert tour.
Na-realize naman ni Angel habang ginagawa ang serye na ituluy-tuloy na ang culinary training niya. Mapakikinabangan daw pala niya. Bagaman at ayaw na ayaw niya ng sinigang na isda dahil feel niya, hilaw pa ang mga isda na lumalangoy sa sabaw, naging paborito niyang recipe ang talangka rice.
Palabas na ang Only You sa Abril 27, kapalit ng I Love Betty La Fea.
* * *
Kahit pa ipinipilit ng marami ang panliligaw diumano nina Jericho Rosales at Christian Bautista kay Karylle, pinagdiinan ng aktres na pinagkalooban ng ABS-CBN ng isang mahalagang role sa Only You na hindi nanliligaw sa kanya ang dalawa.
Bagaman at sinabi ni Echo sa ilang interviews niya na naroon ito sa birthday ng dalaga at nagsayaw pa raw sila, hindi matandaan ni Karylle kung nakasayaw niya ang aktor. Pero totoong nandun siya, pero hindi kami nagsayaw. Hindi ko matandaan.
“I was busy entertaining everybody kaya baka hindi ko matandaan na nagsayaw kami,” paliwanag niya.
Between the two, sinabi ni Karylle na mas close sila ni Christian dahil nagkasama sila sa West Side Story.
“When I transferred to ABS-CBN, isa siya sa mga konting kakilala na nag-welcome sa akin.”
* * *
Gusto kong mag-thank you kay Konsehal Jimmy Borres sa pagpapahiram niya ng kanyang resthouse sa Pansol, Laguna sa aming mga miyembro ng Banuyo Neighborhood Association sa pamumuno ni Kgd. Bebot Rodriguez ng tatlong araw, Abril 21-23 para sa aming taunang summer outing.
Salamat din kina Vice Mayor Bistek Bautista, Cong. Annie Rosa Susano, Cong. Nanette Castelo Daza, Franz Pumaren, Wency Lagumpay at Kgd. Fog Cordovez.
- Latest