Gabby atat na sa pelikula kasama si Sharon
Dalawang magkahiwalay na presscon ang ipinatawag ng ABS-CBN para sa kanilang dalawang bagong programa na magkasunod na magsisimula ngayong Abril 27 at May 2, ang local remake ng Koreanovela na Only You at ang TV remake naman ng nobela ni Mars Ravelo na Komiks Presents: Mars Ravelo’s Nasaan Ka Maruja?
Sina Angel Locsin, Diether Ocampo at Sam Milby ang mga pangunahing bituin ng Only You na pinamamahalaan ni Rory Quintos habang sina Kristine Hermosa, John Estrada at Derek Ramsay naman ang mga lead stars ng Nasaan Ka Maruja na magkatulong na pinamamahalaan nina Jerome Pobocan at Dondon Santos.
* * *
Natutuwa kami para kay Tirso Cruz III dahil hindi ito nawawalan ng proyekto sa telebisyon. Kaya rin niyang magpalipat-lipat ng TV network dahil wala naman siyang exclusive contract sa mga ito. Mahusay na actor at professional sa kanyang trabaho si Pip (Tirso Cruz III) kaya pinag-aagawan siya ng mga TV producers. Si Pip ay nasa cast ng Only You.
Kung maganda ang takbo ng career ni Pip, ganundin naman sa kanyang pribadong buhay. Sa mahigit dalawang dekada nilang pagsasama bilang mag-asawa ni Lyn, never na na-involved sa intriga o na-link sa ibang babae ang dating ka-loveteam ni Nora Aunor. Tapos na rin sa pag-aaral ang kanilang tatlong anak na sina TJ, Bodie at Djanin.
“Pip is very responsible husband and father. Wala kaming masasabi sa kanya na hindi positive,” ani Lyn.
* * *
Wala pang title ang pelikulang ginagawa ngayon ni Gabby Concepcion sa Star Cinema na pinamamahalaan ni Laurice Guillen kung saan niya kabituin ang magkasintahang Angelica Panganiban at Derek Ramsay. Ito bale ang first movie ni Gabby magmula nang bumalik siya galing Amerika kung saan siya namirmihan sa loob ng 13 taon.
Taong 1994 pa ang last movie ni Gabby, ang Ikalabing-Isang Utos na pinagtambalan nila ni Aiko Melendez. Taong 1995 naman nang siya’y magdesisyong magtungo ng Amerika.
Bukod sa pelikula, looking forward si Gabby sa kanyang bagong teleserye sa Dos na tatampukan din nina Lorna Tolentino at John Estrada. Kapag ito’y natuloy, parang reunion project din nila ito ni LT na nakatrabaho niya noon sa ilang pelikula tulad ng Kislap sa Dilim kasama si Christopher de Leon at dinirek ni Lino Brocka, Narito ang Puso Ko with Nanette Medved na dinirek ni Ysmael Bernal at Kung Ako’y Iiwan Mo na dinirek naman ni Marilou Diaz-Abaya.
Looking forward din si Gabby na muling makatrabaho ang kanyang ex-wife na si Sharon Cuneta sa pelikula ganundin ang anak nilang si KC Concepcion.
“Hindi naman siguro masamang mangarap. Sana magkatotoo,” asam pa niya.
Kapag wala siyang shooting o taping na pinagkakaabalahan, busy si Gabby sa kanyang mga personal commitments at shows sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Natutuwa rin siya na umabot na sa gold mark ang kanyang self-titled debut album na Gabby Concepcion under Warner Music at malapit na umano itong umabot sa platinum mark.
* * *
Matapos ang break-up nila ni Roxanne Guinoo, mukhang hindi pa handa si Jake Cuenca na muling umibig lalupa’t busy siya ngayon sa trabaho. Nanliligaw naman siya kay Melissa Ricks, bigla itong tumanggi na nililigawan niya ang dalaga pero aminado ang 21-year-old actor na maganda ang young actress.
Malaking break kay Jake ang Tayong Dalawa, isa sa mga consistent top-rating programs ng ABS-CBN kung saan kabituin niya sina Gerald Anderson at Kim Chiu.
- Latest