^

PSN Showbiz

Jomari 'iniwasan' sina Pops at Martin

RATED A - Aster Amoyo -

Sayang at may taping si Jomari Yllana ng Zorro na pinagbibidahan ni Richard Gutierrez kaya hindi ito makakadalo sa upcoming The Goma Cup: The Reunion, isang celebrity golf tournament na pinamumunuan ng actor-TV host-sportsman na si Richard Gomez kaya hindi sila magkikita-kita ng kanyang ex-girlfriend na si Pops Fernandez at estranged husband nitong si Martin Nievera na parehong dadalo sa nasabing palaro.

Kung matatandaan, nagkomento si Martin sa nangyaring hiwalayan ng dating magkasintahang Pops at Jomari, dahilan kung bakit siya binuweltahan ng ex-husband ni Aiko Melendez.

Sina Pops at Jomari ay hindi na nagkitang muli matapos silang mag-usap nang masinsinan na may kinalaman sa kanilang hiwalayan. Although nagkakaroon din ng paminsan-minsang hindi pagkakaunawaan ang dating mag-asawang Pops at Martin, very close pa rin hanggang ngayon ang ex-couple dahil na rin sa kanilang dalawang anak na sina Robin at Ram.

* * *

Hindi pa rin nawawalan ng pag-asa ang mag-asawang Richard at Lucy Torres na muling magkaroon ng baby para magkaroon ng kapatid ang kanilang eight-year-old daughter na si Juliana.

Pagkatapos ng Goma Cup sa Bora sa Abril 21-25, tutulak ang mag-asawa at ang kanilang anak na si Juliana pa-Amerika para makapagbakasyon and at the same time, para panoorin ng live ang laban ni People’s Champ Manny Pacquiao at British boxing champ na si Ricky Hatton. Ito na rin ang magsisilbing 11th wedding anniversary treat ng mag-asawang Richard at Lucy. Nagbiro pa nga si Goma na baka maging “made in USA” ang kanilang magiging next baby.

Samantala, enjoy na enjoy si Goma sa kanyang new-found career bilang TV host ng local franchise ng American game show na Family Feud dahil kakaiba ito sa kanyang acting job na hindi na niya kailangang patunayan pa.

May isa pa siyang regular TV show ngayon sa GMA 7, ang TV drama series na All About Eve.

* * *

Maganda ang ginagawa ng ABS-CBN at Star Cinema na huwag gawing permanente ang mga loveteams sa kanilang bakuran tulad na lamang nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo na may kani-kanyang hiwalay na proyekto ngayon. 

Si John Lloyd ay matagumpay na ipinareha sa pelikula kay Sarah Geronimo sa A Very Special Love at You Changed My Life at si Bea naman ay may ginagawang pelikula ngayon sa Star Cinema, ang I Love You So kung saan naman niya kapareha sina Sam Milby at Derek Ramsay.

May balak din umanong ipareha si Gerald Anderson kay Sarah Geronimo kahit mainit pa ang loveteam nina Gerald at Kim Chiu.

Ganoon din naman ang ginagawa ng GMA 7 sa kanilang mga loveteams. Sa pagkakaalam namin, pagkatapos ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang na pinagtatambalan nina Dingdong Dantes at Marian Rivera ay paghihiwalayin umano ang dalawa sa susunod nilang proyekto. Matapos mag-click ang tambalan nina Yasmien Kurdi at JC de Vera ay ipinareha naman ang dalawa sa iba.

Masuwerte naman si Richard Gutierrez na hindi identified sa iisang ka-loveteam. Kahit si Judy Ann Santos na ka-identify noon sa loveteam kina Wowie de Guzman at Piolo Pascual at ngayon kay Ryan Agoncillo ay kung sinu-sino na rin ang ibang nakakapareha.

* * *

Tanggapin kayang muli ng Eat Bulaga big bosses na sina Tony Tuviera at Malou Choa-Fagar ang singer-comedienne na si Gladys Guevarra na nagpahayag ng kanyang intention na muling bumalik sa nasabing noontime show?

Kung matatandaan, nagluka-lukahan si Gladys nang ito’y mainlab sa isang US-based Filipino na iba naman ang pinakasalan, ang dating actress-singer na si Stella Ruiz. Si Gladys ang kusang umalis sa Eat Bulaga at hindi siya inalis.

Ang dati niyang manager na si June Nardo ang gusto pa rin niyang mag-manage sa kanya. Ang tanong, Salve A., tanggapin pa rin kaya ni JN ang dati niyang pasaway na alaga?

* * *

Kasalukuyang nasa bansa ang LA-based Filipino-American singer at musical theater actress na si Stephanie Reese para sa kanyang kauna-unahang solo concert sa Pilipinas. Pinamagatang I Am Stephanie Reese na nakatakdang ganapin sa Teatrino sa Greenhills, San Juan sa darating na Mayo 4 (Lunes) sa ganap na ika-8 ng gabi.

Tinaguriang The Standing Ovation Queen ng kan­yang mga tagahanga at industry insiders sa Amerika, si Stephanie ay kumportable sa mga awiting mula sa Broadway, Opera at maging sa mga ballads, pop, hip-hop at kahit kundiman.

Sa kanyang recent concert na ginanap sa Crustacean Restaurant sa Beverly Hills, naka-duet ni Stephanie sina Patti La Belle at Natalie Cole habang nasa audience sina Quincy Jones, Angela Bassett, Magic Johnson, Michael Bolton, Oliver Stone, Paris Hilton at Jamie Foxx.

Si Stephanie ay ipinanganak at lumaki sa Seattle. Siya ang gumanap na Kim sa Miss Saigon sa run nito sa Germany at Esmeralda sa Disney’s The Hunchback of Notre Dame. Ginampanan din niya ang role na Princess Tuptim ng The King and I sa West End at Sophie at Sharon sa Tony Award-winning play na Master Class sa Los Angeles, California bago siya nagdesisyon na i-pursue ang kanyang solo career bilang singer sa Amerika.

“I always love musical theater, but I was doing eight shows a week for several years from 1998 to 2003. Even though I was singing and acting in different productions, I’ve realized that I want to be more creative and explore other parts of myself as a performer,” pahayag ni Stephanie.

    * * *

Email: [email protected]  

AMERIKA

EAT BULAGA

GOMA CUP

KANYANG

RICHARD GUTIERREZ

SARAH GERONIMO

STAR CINEMA

STEPHANIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with