^

PSN Showbiz

'Hindi naman puwedeng lagi akong sweet' - Marian

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -

Pinasyalan ng Walang Tulugan sa Subic ang magkaparehang Marian Rivera at Dindong Dantes na kung saan ay kinukunan ang Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang ng GMA 7.

Tinanong ko ang aktres na napakaganda pala ng mga mata sa malapitan kung totoong nagsusuplada na naman siya at natawa na lang siya.

“Kuya Germs hindi naman puwedeng all the time ay sweet ako. Tao lamang ako na nagkakamali rin,” bungad ni Marian. “Alangan namang bumati ako sa isang tao na napakalayo sa akin. Baka kumaway pa ako kapag napansin ko siya pero paano kung hindi ko siya nakita? Ibig sabihin ba suplada na ako?

Noon naman at magpaghanggang ngayon, naniniwala pa rin ako na may gusto lamang manira at umintriga kay Marian. Ganito naman sa showbiz, kapag sumisikat ang isang artista, may nagsisimula nang manggulo sa kanya, gusto na agad siyang pabagsakin.

Kaya payo ko kay Marian, tatagan na lamang niya ang kanyang sarili, makuntento siya sa pangyayaring maswerte siya at sikat na.

* * *

Bukod sa maraming assignments, patuloy ang pagpapaunlad ni Marvin Agustin ng mga negosyo niya.

Tulad ni Marian, naiintriga rin si Marvin dahil marami siyang projects. Paano kasi, masipag siya, magaling na artista at hindi namimili ng role. Mapabida man o kontrabida, okay kay Marvin. Katwiran niya trabaho ito at naipapakita niya ang kanyang versatility.

May mga artista kasi na namimili ng trabaho. Kapag nagbida na, hindi na pwedeng sumuporta o kaya ay mag-kontrabida. Eh sa rami ng artista ngayon at kokonti ang mga projects, talagang mawawalan ka ng ipon kapag nag-inarte ka.

Sa halip na mainggit at magreklamo kung bakit mas marami ang trabaho ng iba kesa sa iyo, maging masipag ka na lamang at professional, at dapat gandahan mo ang PR mo para maalala ka kapag nagka-cast na ng pelikula o TV show.

* * *

Narinig n’yo na bang kumanta si Joaquin Garcia, isa sa mga alaga ni Andrew de Real ng The Library? Mayro’n na naman itong concert sa April 30 sa The Library na matatagpuan sa Malate, 10:30 p.m.

Promise, ’di kayo magsisisi, magaling mag-perform si Joaquin at isa sa mga dinadayo sa nasabing lugar. Marami siyang mga bisitang darating, kasama pa sina Philip Lazaro at Beverly Salviejo. Kita-kits!

* * *

Dadayo naman ang Walang Tulugan sa Dagupan, Pangasinan sa Abril 28 para sa pagdiriwang ng Bangus Festival.

Simula alas-singko ng hapon ay mapapanood ang isa sa pangunahing palabas ng GMA 7 sa SCI Mall na aking pangungunahan kasama sina Hero Angeles, Jake Vargas, Mark Herras, Rainier Castillo, Ryza Cenon, Kris Bernal, Jennica Garcia, JC Tiuseco, at Gloc 9.

vuukle comment

AKING TADYANG

ANG BABAENG HINUGOT

BANGUS FESTIVAL

BEVERLY SALVIEJO

DINDONG DANTES

HERO ANGELES

JAKE VARGAS

JENNICA GARCIA

JOAQUIN GARCIA

WALANG TULUGAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with