^

PSN Showbiz

'Hindi kami MU, ang alam ko mahal ko si Oyo' - Kristine

- Veronica R. Samio -

Hindi lamang pinatotohanan ni Kristine Hermo­sa na nasa puso niya ang anak ni Vic Sotto na si Oyo Boy Sotto sa presscon ng Nasaan Ka Maruja?, isa pang nakakatakot na season ng Komiks Presents Mars Ravelo. Pero itinanggi niya na MU sila.

“Pangit ang MU, ang alam ko mahal ko siya pero hindi pa kami. Kulang pa kami sa push at Diyos lamang ang makapagsasabi kung kailan mang­yayari ito. Sa ngayon hindi pa oras, kahit sabihing tatlong taon na kaming friends.

“Nasa puso ko si Oyo. Nung time na super down ako, andun siya, ’di ko lang mabigyan ng label ang klase ng relasyon namin. It’s hard for me to trust a man again kung hindi ko siya kaibigan. And I love Oyo as a friend. Feel ko, mas magwo-workout ang relasyon namin kung magkaibigan muna kami. Malaki ang posibilidad na maging kami, siya lang ang nag-iisang lalaki na malapit sa akin. Dapat matiyaga lang kami at maghintay, God will do the rest. Nagawa na ni Oyo ang lahat,” ani Kristine na nagbabalik TV.

Makakasama ni Kristine sa bagong serye sina Karylle, na unang major project sa ABS-CBN ang Nasaan Ka Maruja?, Derek Ramsay, na pag-aagawan nilang dalawa, John Estrada, Kitkat, Enchong Dee, Bing Pimentel at Gloria Romero.

Ang bagong serye ay ikatlong kabanata ng isang character ni Mars Ravelo na dalawang ulit nang naisalin sa pelikula pero unang pagkakataon lamang na magagawa sa telebisyon. Ang dalawang unang naging Maruja ay sina Susan Roces at Carmina Villaroel.

Ang isa sa dalawang direktor ng Nasaan Ka Maruja? na si Jerome Pobocan ay naging assistant direktor noon ni Lino Brocka, nang dini­rek nito ang unang dalawang Maruja movies.

* * *

During the Maruja presscon, inamin ni Derek na dati niyang crush si Kristine.

“I’m still attracted to her physically but I don’t see her that way anymore because of Angel (Angelica Panga­niban, his girlfriend),” sabi ni Derek.

Bagama’t sinabi ni­yang mahal niya ang girl­friend niya, sinabi rin niya na hindi pa siya ready for marriage.

“Ayaw kong magka­pamilya kung hindi ko sila mabibigyan ng oras. I wanna play with my kids. Sa ngayon maski na ang pamilya ko ay hindi ko mabigyan ng oras. Kaya nanghihiram na lang muna ako ng mga pa­mang­kin ko,” paliwanag ng aktor-modelo.

Nang may magsabi sa kanya na sinabi raw ni Angel na maghahanap na lang ito ng iba kung ayaw niyang magpakasal, sumagot siya ng “Each day at times, Angel says a lot of things that she doesn’t mean. At saka may binabayaran pa akong house now,” dagdag paliwanag pa ni Derek.

* * *

Naka-recover na si Kitkat sa ginawang kamalasaduhan sa kanya ng boyfriend niya. Sa kabila nito, kahit hindi niya mabawi ang perang nakuha nito sa kanya ay gusto niyang mahuli ito at maturuan ng leksyon. Kasama si Kitkat sa Nasa’n Ka Maruja.

* * *

Naguguluhan na ako sa mga surveys. Hindi ko kasi malaman kung sino ang nagsasabi ng totoo, kung aling mga palabas ang mga pinanonood. Kapag naglalabas kasi ng survey ang isang network, palabas nila ang nangunguna. Kapag mga kalaban naman, pabor ang survey sa mga palabas nila. Ang nakatutuwa, magkaiba ang gumagawa ng survey nila. Magkalaban din.

But if the viewers don’t mind, why should I? Panoorin ko na lang ang mga palabas nila, dalawa naman ang TV sets ko sa kwarto at kung ano sa palagay ko ang mas magandang palabas eh ’di yun ang nangunguna. Dun na ako.

ANGELICA PANGA

DEREK

KITKAT

KRISTINE

KUNG

NASAAN KA MARUJA

OYO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with