American Idol kilalang sikat si Regine
Tinanong kami ng isang fan ni Regine Velasquez kung maggi-guest daw ba sa GMA-7 shows sina David Cook at David Archuleta to promote their May 16 concert sa MOA? Partikular na inalam ng fan ni Songbird ay kung aapir sa S.O.P. ang dalawang David?
Nabalitaan ng friend namin sa isang interview kay Archuleta na lumabas sa Malaysia, nabanggit nitong narinig niya ang pangalan ni Regine. Tinanong daw ito kung kilala ang isang Pinay singer na sumisikat ngayon sa Amerika at ang sagot ni Archuleta, naririnig niya ang name nito, pero kumambyo ng “But the one I’ve heard the most is Regine Velasquez of the Philippines.”
Tuwang-tuwa ang friend naming maka-Regine sa tsikang ito at gusto niyang malaman kung totoong knows ni Archuleta ang idol niya at kung paano. Wish niyang tanungin ito ‘pag na-interview tungkol kay Regine at i-guest sa S.O.P. para magkita silang dalawa.
Magandang idea nga naman. Paging GMA-7, S.O.P. and Fearless Promotions!
Samantala, birthday ni Regine today at sabi ni Ogie (Alcasid), magba-barbecue party na lang sila. Hindi niya mayaya sa HongKong ang GF dahil kagagaling lang nito ng Amerika at kailangan ding paghandaan ang iho-host na Are You the Next Big Star? Ang inaalam namin ay kung natuloy regaluhan ng Chanel bag ni Ogie si Regine?
* * *
Hindi naniniwala sa award ang magaling na actor na ito at hindi maganda ang itinawag niya sa mga award giving body na namimigay ng award. Pero ‘wag na lang nating palakihin ang isyu at hindi rin naman malinaw kung bakit hindi naniniwala sa award ang magaling na actor.
Hindi naman siguro galit sa award giving body ang actor dahil hindi kinikilala ang husay niyang umarte dahil madalang siyang gumawa ng pelikula. Paano nga naman ire-recognize ang trabaho niya kung walang material?
Hindi rin nanonood ng Filipino films ang actor at puro foreign movies ang gusto, prerogative niya ito at walang sinumang makakapilit sa kanya. Sa rami nang magagandang local movies na nagawa at ipinalabas, maraming na-miss ang actor, pero pabayaan na natin siya sa kanyang trip.
* * *
Maganda ang labanan sa Best Performance by an Actress in a Leading Role-Musical or Comedy sa 6th Golden Screen Awards ng Enpress o Entertainment Society na gagawin sa April 30, sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City.
Senior stars na sina Gloria Romero (Fuschia) at Boots Anson-Roa (Lovebirds), ang middle age na si AiAi delas Alas (Ang Tanging Ina N’yong Lahat) at nasa early at mid-20’ to early 30’s na sina Ruffa Gutierrez (My Monster Mom), Toni Gonzaga (My Only You). Marian Rivera (My Best Friend’s Girlfriend) at Sarah Geronimo (A Very Special Love) ang maglalaban-laban.
Hindi masyadong mahihirapan ang Enpress na mamili kina Eddie Garcia at Robert Arevalo (Fuschia), Sam Milby (My Big Love) at John Lloyd Cruz (A Very Special Love) for Best Performance by an Actor in a Leading Role-Musical or Comedy dahil apat lang silang pagpipilian.
Hintayin natin ang magiging resulta at kundi kami nagkakamali, ngayon lang maglalaban sina Marian at Sarah sa parehong category. Sina Boy Abunda, BB Gandanghari, Chokoleit at Eugene Domingo ang hosts sa nasabing awards night na produced ng Front Desk Entertainment ni Jobert Sucaldito.
- Latest