Jon Avila na-starstruck kay Juday
Nagreklamo ang actress na may kapatid na newcomer na kasama sa cast ng isang youth-oriented show dahil bigla na lang daw inalis sa cast ang kanyang kapatid. Pero sabi ng in-charge sa production ng show, dapat hanggang season two lang ang kapatid ng actress at na-extend lang ang stay sa show dahil umiyak na nakiusap sa producer na habaan pa ang exposure niya.
Kaso nang pagbigyan ang request na habaan ang partisipasyon niya, nag-attitude naman at minsan sa taping, late dumating at kasama pa ang boyfriend. Ipinagbabawal sa set na magbitbit ng BF o GF para walang sagabal sa taping, pero hindi pa rin sinunod ng newcomer.
Sa new season ng show, tsinugi na talaga ang newcomer at alam niya ito na hanggang dun na lang ang role niya. Kaya nagugulat ang mga taga-production na biglang nagreklamo ang kapatid nito. Hopefully, bigyan siya ng ibang show ng network para magtuluy-tuloy ang showbiz career.
* * *
Ibinalita ni Raymond Gutierrez sa Showbiz Central na ilo-launch ng Bench sa April 25, ang sariling cologne line ni Richard Gutierrez at isang big event ang magaganap sa SMX Convention Center. Sa mga Bench endorsers, si Richard ang sumunod kay Piolo Pascual na magkakaroon ng sariling line ng cologne.
Nang marinig na sa SMX Convention Center gagawin ang big launch ng cologne ni Richard, naalala namin ang sinabi ni Annabelle Rama sa Showbiz Central na hindi na kailangang i-ban ng Robinsons malls ang anak dahil hindi ito pumupunta sa mga malls ng Gokongwei dahil walang tao at mainit pa.
’Kaloka, pati Gokongwei at Sy, damay na sa isyu ng mga Gutierrez at ng PEP, pero si Raymond, sinabing mahal nila ang Summit Media na pagmamay-ari ng mga Gokongwei at nag-promote pa ng magasin ng Summit Media na cover ang friend niyang si Isabel Daza.
* * *
Si Jon Avila ang ipinalit ng Regal Entertainment kay Akihiro Sato na leading man ni Judy Ann Santos sa Oh, My Girl! (OMG!). Kuwento ng actor, bigla na lang siyang tinawagan ng handler niya at sinabing mag-report sa shooting at natuwa nang malaman kung sino ang makakasama.
Sa first day shooting, nahiya siya kina Judy Ann at Ogie Alcasid dahil mga big stars at siya’y pang-fourth movie pa lang ang OMG!
“Pero ang sarap ng feeling na makasama sa movie nila. Ang sarap and I feel blessed and privileged. It’s good to be working with big stars, but I feel inadequate dahil two years pa lang ako in the business. Sino ba naman ako?
“Na-starstruck ako kay Judy Ann and what is funny is, I called her darling sa first meeting namin. Yun ang name niya sa movie, nahiya nga ako at baka sabihing sinadya kong tawagin siya ng ganun,” paliwanag ni Jon.
First movie rin ni Jon sa Regal at itsinika sa kanya ni Mother Lily Monteverde na ang anak nitong si Roselle Monteverde-Teo ang pumili kay Jon at lalong nanliit ang actor. Magpapasalamat daw siya ’pag nakita niya si Roselle.
Kinumusta namin kay Jon si Rufa Mae Quinto na kailan lang ay nali-link sa kanya. Hindi na raw sila masyadong nagkikita ng kanyang “friend,” pero textmates sila. Pagbalik ng actress mula sa States, nag-text ito para sabihing she’s back, pero ’di na sila nagkikita.
* * *
Ngayong Tuesday sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang, magagalit si Rado (Paolo Contis) sa balitang ikakasal si Proserfina (Marian Rivera) at Homer (Dingdong Dantes). Malalaman naman ni Proserfina kung sino ang nagpadukot sa kanya sa araw ng kanyang kasal.
Magkakagulo sa simbahan dahil ibang bride ni Homer ang dumating. Hindi si Proserfina ang dumating na naka-wedding gown.
- Latest