Luis Manzano galit din sa PEP
After ni Richard Gutierrez, si Luis Manzano naman ang nagrereklamo tungkol sa isang artikulo na lumabas sa kanya sa isang internet publication (PEP).
Tutol si Luis dahil pinalalabas ng sumulat na nagbibigay siya ng detalye tungkol sa relasyon nila ni Angel Locsin nang hindi siya nakakausap nito at kumukuha lamang ng impormasyon sa mga tao sa mga lugar na pinupuntahan niya.
Hindi kataka-takang magalit si Luis dahil lumalabas siyang kiss and tell, na taliwas sa kanyang tunay na ugaling napaka-pribado, sa kabila ng kanyang pagiging isang artista.
Matagal na silang may relasyon ni Angel pero, kung magagawan nila pareho ng paraan, ayaw nilang i-broadcast ito. Except for that one issue na lumabas na nag-iiyak siya dahil hindi niya makakasama ang girlfriend sa birthday nito dahil nasa New York na siya at nagso-shooting kasama ang kanyang ina ng isang pelikula, wala nang pangyayari sa kanilang relasyon ng aktres na nalaman pa ng publiko.
Hay naku, tigilan na nga ang ganyang unprofessionalism. Kung hindi kayo makakuha ng interview, you can always give reviews and comments.
Iwasan nang manakit ng loob ng kapwa. Napakaliit lamang ng showbiz para mag-away-away pa.
* * *
Ano kaya ang nararamdaman ng dating abogadang girlfriend ng Pinoy Sole Survivor na si JC Tiuseco ngayong inili-link na ito kung kani-kaninong aktres?
Pinakahuli si Katrina Halili bagama’t pareho na silang nag-deny tungkol dito.
* * *
Tama ‘yung desisyon ni Gladys Guevarra na magbalik-showbiz. Marami nga ang nagulat na nasa GMA 7 siyang muli. The last time they heard, Kapamilya na siya pero, bumalik pala siya ng Kapuso network.
Nasa kabila man siya o nasa GMA 7, ang mahalaga binalikan niya ang trabaho niya. Walang pinakamabuti at pinakamadaling paraan na magamot ang isang broken heart kundi sa pamamagitan ng pagtatrabaho. Magandang therapy din ito para mabilis na magamot ang kanyang depression and stress na sinasabi naman niyang wala na at sa katunayan, meron na siyang bagong boyfriend na ang pangalan ay Daniel Smith (pero hindi si Daniel na pinag-usapan lamang kamakailan dahil nag-iba ng statement ang balitang ni-rape niyang si Nicole).
Sayang kung pababayaan na lamang niyang hindi magamit ng kanyang talento, bakit pa siya pinagkalooban ng mga ganitong gifts ng Panginoon kung sasayangin lamang niya?
Magpasalamat ka na lamang na meron kang trabahong nababalikan at merong network na nagtitiwala sa iyo. I’m sure naririyan pa rin ang mga kaibigan mo na handang tanggapin ka.
* * *
Mukhang maganda ‘yung role ni Arnell Ignacio sa Kambalilong ng Daisy Siete. Biruin mo, tatay siya ng kambal na sina Jopay at Sunshine.
Natatawa si Arnell pero sinabi niyang excited siya sa kanyang role. Ayaw niyang sabihin kung straight guy ang role niya, only the fact na dalawa ang anak niya.
Tingnan mo nga naman, nakaka-22 episode na pala ang Daisy Siete, and in fairness, malakas ito sa panghapong slot ng GMA 7. Marami nang pera si Joy (Cancio), manager ng Sexbomb at producer ng series.
Si Joy ay magandang ehemplo ng isang talent manager. Ang Daisy Siete ay ginawa niyang vehicle para sa Sexbomb, para pasikatin sila. Isa itong malaking sugal.
- Latest