^

PSN Showbiz

Papable na pulitiko na-shock sa kagagahan ng aktres

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ang daming nag-react tungkol sa ipinagagawang bahay ni Rufa Mae Quinto sa Corinthian Garden. Say ng mga readers particular na ang online readers, at least for a change, hindi raw nali-link si Rufa Mae sa men na karaniwang issue sa kanya. Pero may halong intriga pa rin silang sinasabi. Ang yaman daw pala ni Rufa Mae. Ang daming datung.

At ang nakakaloka, may mga nag-apply na construction supplier. Kaaliw.

Here ang isang sample:

Rufa Mae I’m a marketing sales agent for aluminum doors and windows from China bago pa lang me sa trabahong ito hopefully mabasa mo ito. Sana isa ako sa makapag-supply sa iyo. We also supply granite Peachy. I’m a single mother, tulad mo rin bread winner, magkaiba lang tayo ng estado dahil may anak ako ikaw family mo, wish ko lang na sana magkaroon me ng project para sa pasukan may panggastos ako sa gamit ng mga bata - one boy and one girl ang anak ko!

Nabasa ko na nagpapagawa ka ng bahay sana matulungan mo ako na makapag-bid sa bahay mo kahit yung in-charge na engineer lang ang makausap ko.

 We hope to be one of your trusted suppliers and contractors in the near future. You may call us at your most convenient time to discuss more about our products and services.

Hoping we could have a good and long lasting business relationship.

May binigay siyang name.

Lumabas dito sa Show-My na talbog ang bahay ni Sen. Jinggoy Estrada at ng isang TV host sa laki ng ipinatatayong bahay ng sexy actress sa lugar ng mayayaman. Aabot sa halos 1,500 square meters daw ang sukat ng lupa.

Sana nga tularan si Rufa Mae ng maraming artista na wais pagdating sa pera. Hindi niya ginagastos kung saan-saan lang ang kanyang kinikita.

* * *

Naka-date ng isang bagets na pulitiko ang isang TV host/actress kamakailan. Actually, simpatiko ang bagets na politician at single. Good catch kung tutuusin. Pero talaga yatang lukring ang nasabing TV host/actress dahil imbes na seryosohin at magpaka-good girl, lumabas agad ang tunay na ugali nang mag-date sila ng pulitiko na papa material sana na ikina-shock ni pulitiko.

Pero hindi agad na turn-off ang politician sa nasabing TV host/actress ayon sa source. Actually, naging very understanding pa ito. Pero talagang na-praning-praning ang pulitiko ayon sa isang taong malapit dito dahil kahit madaling araw ay tumatawag ang TV host/actress at gustong makausap ang pulitiko na hindi raw ini-expect ng pulitiko. “Nakailang labas lang sila. Nang malaman ng friend ko na may bad attitude ang TV host/actress, umayaw na siya. Maganda sana siya (TV host/actress) pero lukring siya eh. May kakaibang ugali. Uy ‘wag ka maingay tungkol dito ha,” sabay tawa ng source dahil alam naman niyang hindi ‘yun puwedeng i-off the record ang kuwento niya.

Sayang. Siguro kung sineryoso niya ang nasabing pulitiko, hindi na niya (TV host/actress) kailangang magtrabaho. Bukod sa magiging sosyal siya, wala siyang alalahanin pagdating sa datung. Mapera ito bukod sa simpatiko at walang sabit.

ACTRESS

CORINTHIAN GARDEN

HOST

JINGGOY ESTRADA

PERO

PULITIKO

RUFA MAE

RUFA MAE I

RUFA MAE QUINTO

SANA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with