^

PSN Showbiz

Three weeks hindi nagkita, Regine at Ogie NAG-IYAKAN!

- Veronica R. Samio -

Si Ogie Alcasid mismo ang nagsabi na nag-iyakan sila ni Regine Velasquez nang magkita sila after three weeks.

“We were both so busy, umalis siya for the Divas tour, ako naman ang daming inaasikaso rito kasama na ang taping for our newest game show ni Bitoy (Michael V), ang Hole in the Wall which will start airing tonight - when she arrived and I fetched her from the airport ay wala kaming nagawa kundi ang mag-iyakan, we missed each other so much. Three weeks straight kaming hindi nagkita although we texted each other often. Hindi na namin kaya ni Regine na maghiwalay ng matagal. Pinakamatagal na ‘yung three weeks. Kaya nilulubos na namin ang time kapag magkasama kami,” sabi ng singer/composer.

To compensate for the lost time, they spent the Holy Week sa isang resort sa Batangas na pag-aari ng isang kalaro nila sa golf. Kasama nila ang family ni Ogie, ang ama nito, kapatid, mga pamangkin ma­pwera sa ina ni Ogie na nasa Europe at nagbaba­kasyon.

Sa April 28, birthday ni Songbird, sinabi ni Ogie na baka mag-party lang sila, barbercue dahil mahilig daw sa ganun sila Regine.

“I have bought my birthday gift for her but I’m not telling, siya na lang ang tanungin n’yo dahil naibigay ko na sa kanya,” pagmamalaki ni Ogie na excited na naman dahil magkakasama na naman sila ng girlfriend sa panibagong season ng Celebrity Duets.

“Now that I’m finally doing movies again kakaririn ko na. Kapag naging successful ‘yung pagsasama naming uli ni Bitoy, itutuluy-tuloy ko na,” dagdag pa niya.

When asked kung ano ang sikreto ng mata­gumpay na tandem nila ni Bitoy, Ogie is quick to answer na: “We go along way, sa Octo Arts pa. Hindi lang kami magkaibigan, magkumpare din kami. Walang sapawan sa aming dalawa, we jam, at kung ano ang mas nakakatawa, ‘yun ang ginagawa namin.

“Tulad nitong Angelina and Yaya characters namin, since marami ang natutuwa rito, lumabas na ang characters from Bubble Gang where they were born, ngayon ginawa na kaming host ng GMA 7 sa Hole in the Wall.”

* * *

Itinanggi naman nina John Prats at Shaina Magdayao na nag-uusap na sila ng kasal.

“Masyado pa kaming bata para rito. Mas focused muna kami sa aming trabaho and at the same time, nag-iipon kami bilang paghahanda sa aming future.

“Siguro yung kasal, kakabit na yan ng mga may relasyon, diyan din siguro talaga kami patungo pero, it’s too early to think about it, wala pa talaga sa plano. It’s enough na magkakasundo ang mga parents namin, ang family namin at happy kami na tanggap na kami ng mga fans and they support us sa mga individual projects namin. ‘Yun naman ang impor­tante,” sey ni Shaina during the presscon for Kambal sa Uma na magsisimula nang umere today sa ABS- CBN.

* * *

Marami ang talaga namang nalulungkot sa pagtatapos ng I Luv Betty La Fea sa linggong ito. Pero malungkot man sila todo pa rin ang excitement ng manonood dahil malalaman na nila finally kung paano magwawakas ang love story nina Armando (John Lloyd Cruz) at Betty (Bea Alonzo).

Huwag nang bumitaw sa pagtatapos ng well-loved series week nights pagkatapos ng May Bukas Pa, sa ABS-CBN.

vuukle comment

ANGELINA AND YAYA

BEA ALONZO

BITOY

BUBBLE GANG

CELEBRITY DUETS

HOLY WEEK

I LUV BETTY LA FEA

JOHN LLOYD CRUZ

KAMI

OGIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with