Nanay ni Pacman handa na sa laban!
Congrats muna kina Nonito Donaire at Brian Viloria dahil win sila sa mga laban nila kahapon sa boksing. Pinatumba ng dalawa ang kanilang mga kalaban kaya nagbubunyi ang madlang-people dahil sa karangalan na ibinigay nila sa ating bayang magiliw.
Happy ako para kay Brian na na-meet ko na noon sa laban ni Manny sa Las Vegas. Magaling na boksingero si Brian pero natalo ito sa kanyang mga sumunod na laban at kahapon na lang uli siya nanalo.
Siyempre, natuwa ako para kay Brian dahil nakabawi siya. Ang akala ko nga, matatalo siya kahapon pero napatumba niya sa 11th round ang kanyang kalaban.
Malaking bagay na ginanap ang laban sa Pilipinas dahill nakatanggap si Brian ng bonggang suporta mula sa mga kababayan natin. Nakatulong ang pag-chant ng mga kababayan natin sa name ni Brian para lalo itong ganahan sa pakikipagbakbakan.
* * *
Nanood kahapon ng boxing sa Araneta Coliseum si Papa Joseph Estrada. Kasama niya ang anak na si San Juan Mayor JV Ejercito.
Birthday kahapon ni Papa Erap at sure ako na birthday gift niya sa sarili ang panonood ng boksing.
Nanood din sina Makati City Mayor Jojo Binay at MMDA Chair Bayani Fernando. Nasaksihan ang paglapit at pagkamay ni Papa BF kay Papa Jojo. Ang sey ng isang intrigera, nakipag-shake hands si Papa Jojo kay Papa BF pero sa ibang direksyon nakatingin ang kanyang mata.
Ma at pa ang sagot ko sa nagtatanong kung may isyu ba raw sina Papa Jojo at Papa BF!
* * *
Nagustuhan ko ang episode ng Maalaala Mo Kaya noong Sabado. Maaga akong natutulog sa gabi pero noong Sabado, talagang hinintay ko ang pagsisimula ng MMK dahil si Lorna Tolentino ang guest.
Ang guesting ni LT sa MMK ang kanyang comeback sa telebisyon. In fairness, maganda ang kuwento ng episode. Naiyak-iyak ako sa mga eksena ng pagdurusa ni LT dahil sa mga problema ng kanyang pamilya.
Lalong gumaling ang akting ni LT. Na-feel ng televiewers ang mga hinagpis ng karakter na kanyang ginampanan.
Magagaling din ang mga co-star ni LT na sina Albert Martinez at John Wayne Sace. Hindi ako magtataka kung ma-nominate sa mga award-giving body for TV ang kanilang mga pagganap.
* * *
Tawa ako nang tawa sa interbyu ng Showbiz Central kay Mommy Dionisia Pacquiao.
Talagang pinaghandaan niya ang paglipad sa Amerika dahil nagbaon siya ng tatlong klase ng sapatos, skinny jeans at damit na pang-simba na kanyang gagamitin pagkatapos ng laban ni Manny kay Ricky Hatton.
Karakter na karakter talaga ang mother dear ni Manny. Sure ako na mag-e-enjoy si Mommy Dionisia sa pagbabakasyon niya sa Amerika dahil marami ang magpapasyal sa kanya roon. Siguradong maraming kuwento ang nanay ni Manny sa pagbabalik nito sa Pilipinas. Aaabangan ko ang interbyu kay Mommy Dionisia tungkol sa paglalamiyerda niya sa Amerika dahil tiyak na nakakaloka ang kanyang mga experience.
- Latest