Fallback ng mga artista pag-uusapan
MANILA, Philippines - Maraming taga-showbiz ang sumikat pero kasabay ng pagkawala ng ningning ay naging dahop sa buhay. Sa Life and Style with Ricky Reyes ngayong Linggo alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga sa QTV-11 ay may tatlong panauhin na maglalahad ng pagpasok nila sa magkakaibang negosyo bilang “fallback position.”
Dating teenstar si Jennifer Sevilla na lumalabas pa rin sa TV at pelikula pero pumasok din siya sa paggawa ang pelikuka at hair extension. Modelo at gumawa rin ng pelikula si January Isaac na kilala bilang Lumen na endorser ng Surf bar. Ngayo’y may negosyo na siyang health cereal. Balladeer si Jeffrey Hidalgo na ngayo’y may pagawaan ng laundry soap at diswashing liquid. Isang masaya at informative na diskusyon ang magaganap sa tatlong guest at ng host-producer na si Mother Ricky Reyes na kilala rin bilang may-ari ng mahigit 40 salon sa bansa.
Sa Testa Bida ay mapapanood ang kasaysayan ng isang dating housewife na ngayo’y matagumpay nang canteen owner na si Mrs. Arlene Pomejanog.
Sa We (Women Empowerment) hosted by Mayor Marides Fernando ay isasadula naman ang madugong karanasan ng Missology fashion designer na si Josie Maik.
- Latest