^

PSN Showbiz

Osang pababaitin ni Santino

- Veronica R. Samio -

Matapos siyang mapanood sa isang pelikula makaraang maging hindi aktibo ng may ilang panahon, mapapanood uli sa TV ang kontrobersyal aktres na si Rosanna Roces sa top rating teleserye ng ABS-CBN na May Bukas Pa.

 “Hindi lang dahil mataas ang rating ng programa kaya ako masaya. Maganda ang kuwento at may napupulot na aral,” kuwento ni Osang.

Bibigyang buhay niya ang karakter ng isang malupit na ina. Tinuturing niyang malas sa kanyang buhay ang kanyang anak na gagampanan naman ng Pinoy Big Brother Teen Edition Plus big winner na si Ejay Falcon. Kung bakit niya minamaltrato ang kanyang anak at kung paano hahaplusin ni Santino (Zaijian Jaramilla) ang puso ni Osang sa teleserye ang takbo ng istorya.

Kauna-unahang appearance rin ni Ejay sa isang primetime teleserye ito. Kaya naman sobra ang katuwaan niya.

“Sobrang galing ni Ms. Osang. Dinadala niya ako sa eksena. Paano ba naman, iyakan agad yung scene naming dalawa,” sabi niya.

* * *

Balik-TV din si Lorna Tolentino sa Maalaala Mo Kaya (MMK). Ito ay habang hinihintay ng lahat ang kanyang paglabas sa teleseryeng pagbibidahan nila nina Gabby Concepcion and John Estrada.

Kasama rin si Albert Martinez. Ang direktor ay si Nuel Naval.

* * *

Karagdagang pampainit ng Starmall ang pagtatampok sa mga femme fatales sa buwang ito ng Abril. Napanood na sina Cass Ponti, Nina Dolina at ang grupong Koolchx, bukas, Abril 19, mapapanood naman si Jennylyn Mercado sa Starmall EDSA at sa Abril 26 naman ay si Valerie Concepcion sa Starmall Alabang.

Bukas din, sa Riverbanks Center, bilang pagdiriwang ng kanyang ika-10 anibersaryo, magkakaro’n ng isang libreng concert sa Amphitheater, 6:00 p.m. Tampok ang Hale, Sugarfree, Mayonnaise, Barbie Almalbis, Bugoy, Miguel Escueta at Lovi Poe. Magkakaroon ng isang fireworks display sa gabi at lahat ng masuswerteng suki ng lugar ay maaaring makapag-uwi ng giveaways.

May mascot at puppet show din sa mga bata, 1-3 p.m. sa Riverbanks Mall Atrium; May 50% off sa entrance fee sa The Philippine Science Centrum at patuloy pa rin ang isang sale na nagsimula kahapon at magtatapos bukas.

* * *

Inaamin naman ni Shaina Magdayao na totoong selosa siya pero sa pamamaraang ito lamang niya mapatutunayan kung gaano siya kamahal ng bf niyang si John Prats.

“Pero pagdating sa trabaho, malawak naman ang isip ko. Alam ko ang takbo ng aming trabaho at basta professionalism lamang ang hinihingi okay sa akin. Sino ba namang girlfriend ang hindi magiging selosa kapag ang boyfriend nila ay nakikipagmabutihan pa sa iba? Sa pagi-stick to one lamang maipapakita ng isang guy kung gaano niya pinahahalagahan ang kanyang gilfriend,” paliwanag ni Shaina na isa na namang mahalagang character ang ginagampanan sa Kambal sa Uma with Melissa Ricks.

Inaasahan na nila pareho na hindi maiiwasang intrigahin sila, pagkumparahin, bahagi ito ng buhay ng mga artista. “Pero pagkatapos ng lahat ng gulo, dapat at the end of the day, pag-pack up namin, andun pa rin yung friendship,” sabi niya.

vuukle comment

ABRIL

ALBERT MARTINEZ

BARBIE ALMALBIS

CASS PONTI

EJAY FALCON

GABBY CONCEPCION

ISANG

JENNYLYN MERCADO

JOHN ESTRADA

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with