^

PSN Showbiz

Marian at Carla pagsasabungin ni Mother Lily sa pelikula

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Magkakapelikula na rin ang newcomer na si Carla Abellana dahil kasama siya sa Nieves, ang entry ng Regal Entertainment sa Metro Manila Film Festival (MMFF) na solong pagbibidahan ni Marian Rivera.

Si Mother Lily Monteverde mismo ang nagbalita na introducing sa nabanggit na pelikula ang dalagang may kontrata rin sa GMA 7.

Ano kaya ang magiging reaction ng mga fans na pinagsasabong sina Carla at Marian sa desisyong ito ni Mother Lily? Sabagay, no choice sila kundi panoorin ang pelikulang pagsasamahan ng dalawa.

Si Mike Tuviera pa rin ang director ng Nieves na unang balita sa amin ay ha­hatiin sa two episodes. Hindi namin naitanong kay Mother Lily kung ganun pa rin ang plano o gawing isang buong pelikula ang isa sa mga episodes ng Shake, Rattle & Roll X na nag-hit sa 2008 MMFF.

* * *

Nagulat ang mga nasa taping ng Lipgloss sa pagdating ni Isabel Oli sa location sa Mamplasan, Laguna. Nakakagulat dahil bukod sa hindi siya kasama sa cast, may kalayuan din ang lugar, pero bumisita siya.

Obviously, ang ex niyang si Marco Alcaraz ang binisita ni Isabel. Guest ang actor sa two episodes ng controversial Lipgloss ng TV5. Nang usisain ang actress sa presence niya sa taping ng ex, ang sabi nito, friends sila ng actor na ang ibig sabihin, walang masama sa kanyang pagbisita na totoo naman.

Naku, may balita na naman kami kay Isabel, baka akalain na naman nitong ang kaibigan niyang artista ang source ng press. Kami na ang nagsasabing walang kinalaman ang former friend ni Isabel sa tsikang ito.

* * *

Sayang at hindi na namin nahintay ang eksena ni Carmi Martin sa Oh, My Girl! (OMG!) ng Regal Entertainment kung saan, after 20 years, muli siyang magta-tanga. Pinaghandaan ni Carmi ang kanyang pagta-tanga, nag-diet siya at singkamas na lang daw ang kanyang kinakain para hindi siya malait ’pag napanood na ‘yun ang suot.

Kuwento ni Carmi, noong una’y ayaw niyang mag-tanga, pero nang i-explain sa kanya ni direk Dante Garcia ang kanyang role, naintindihan niya at umalis agad siya para magpagawa ng black tanga kay Regine Tolentino.

Nagsilbing reunion nina Carmi at Roderick Paulate ang nabanggit na pelikula dahil sikat ang tambalan nila sa TV show na Dick and Carmi dati. First movie nila ang OMG! at pareho silang excited. Starlet noong ’80s ang role ni Carmi na umampon kay Judy Ann Santos at karamihan sa eksena niya’y kasama ang actress. Akala ni Carmi, guest lang siya sa movie, kaya nagulat nang malamang malaki ang gagampanan niya sa movie.

Tuwang-tuwa si Carmi sa role niya sa pelikula’t malayo sa kontrabida role niya sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Kung sa soap ay kinamumuhian siya ng mga fans nina Marian at Dingdong Dantes, sa pelikula’y maaaliw sa kanya ang tao.

* * *

Isang policewoman, si PO3 Amelita Despabila­deras na may asawang sundalo ang player sa Kaka­sa Ka Ba sa Grade 5? this Saturday. 

Isa na kayang policewoman ang maging panga­lawang milyonaryo sa quiz show hosted by Janno Gibbs?  

vuukle comment

AKING TADYANG

AMELITA DESPABILA

ANG BABAENG HINUGOT

CARLA ABELLANA

CARMI

CARMI MARTIN

DANTE GARCIA

MOTHER LILY

REGAL ENTERTAINMENT

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with