^

PSN Showbiz

Sam little boy ni Angel

-

MANILA, Philippines - Nakakaaliw sina Ogie Alcasid at Michael V. Sumikat silang Angelina at Yaya na nag-umpisa lang sa isang segment sa Bubble Gang. Ngayon, may sarili na silang programa – Hole In The Wall na papalit sa Family Feud na mapapanood simula sa Lunes, Abril 20.

Imagine, sinong mag-aakala na makikilala sila bilang mag-amo samantalang pareho naman silang sikat sa kani-kanilang career - singer at komedyante.

Sa launching (presscon) for Hole In The Wall, naka-Angelina at Yaya outfit sila.

Nagsimula sa Japan ang nasabing game show na puwedeng salihan ng mula 16 hanggang 50 years old basta makabuo ka ng grupo. Kailangang lang daw maging matinik sa pagsiksik sa mga rumaragasang ‘wall’ na may kakaibang ‘hole’ na lusutan ng mga sasali.

Dapat mautak ang sasali at malambot ang katawan para makalusot dahil kung hindi, sila ay itutulak ng pader at ihuhulog sa pool.

Bongga ang mga premyo oras na makalusot ka sa butas. Pero kung, lalampa-lampa ka, pasensiya dahil hindi ka magwawagi kaya padagdag nang padagdag ang premyo sa susunod na contestant.

Bukod sa Hole In the Wall, may pelikula na rin silang gagawin- Ang Spoiled Brat.

* * *

Matagal-tagal din palang nawala sa TV si Angel Locsin. Nine months to be exact. May nararamdaman siyang pressure sa My Only You? So ano naman ang feeling niya?

“Wow, happy kasi naging busy ako sa paggawa ng pelikula. Excited na ako kasi this is it, trabaho na ulit di ba. And happy ako dahil iba naman ito dahil nasanay ako na fantaserye na full of hayop ‘yung ginagawa ko. ‘Yung sa Lobo drama naman or sa Love Me Again. Ito may bago. Parang nakaka-challenge di ba, kasi iba ‘yung approach. Kailangan very light dahil medyo kumikrisis tayo ngayon, kailangan nating aliwin ang mga tao. Tulungan natin silang ma-forget pansamantala sa mga problema,” sabi ni Angel sa isang interview.

May pressure ba kasi lahat may expectations?

“Actually iniisip namin walang pressure sa aming mga artista. Parang mahal namin ang trabaho namin, gusto namin ang ginagawa namin. So parang lahat ng tao, like kahapon may shinoot akong isang TVC, parang lahat sinasabi, ‘uy yung pressure nasa inyo because mga ratings ang high. Kailangan i-maintain’. So ako, parang okay may pressure kahit wala naman talaga dapat kaming napi-feel na kahit anong pressure. ‘Yun lang dun lang namin nararamdaman yung pressure, pero pag nagso-shooting kami, masaya kami kasi we’re very proud dahil lalo na ‘yung director namin, si Direk Rory Quintos napakagaling na direktor, so alam namin we’re in good hands,” dagdag niya.

Papalitan nila ang Betty La Fea na mataas ang rating kaya talagang dapat kabahan sila Angel.

“Medyo hindi healthy kung ‘yun ang iisipin mo. Ang sa akin kasi ang pinaka-competition ko ‘yung sarili ko. Pag nakita ko yung sarili ko na - naku Gel medyo sablay ka d’yan ah. Dun ako magpa-panic. ‘yun ang challenge ko ‘yung may maipakita na something new sa mga tao. Basta maganda naman yung ginagawa ko at may tiwala ako sa show okay ako,” paliwanag ng aktres.

 Ano naman ang masasabi niya kina Sam at Diether na first time niya nakasama sa isang programa?

“Si Sam nakatrabaho ko na siya sa MMK so kahit papano alam ko na kung paano siya magwork, kung paano yung ugali niya kasi after nun nag-uusap-usap kami. Pero dito napatunayan ko as in genuinely nice siya talaga. As in walang halong kaplastikan yung pagiging nice niya. Kaya ko nga laging nasasabing kaya little boy baka mamisinterpret ng iba. Kasi si Sam medyo nagtampo yata sa akin nung sinabihan ko siyang little boy. Pero ang ibig sabihin ko nun napakatotoo ng mga kilos niya, real, napaka-fresh ng kilos niya pag mag-aalok siya ng food, pag aalukin niya yung mga gadgets niya, napakatotoo talaga. Ang cute tingnan. Pag sinabi kong little boy yun ang ibig kong sabihin hindi dahil immature siya, hindi ganun. Actually si Sam very responsible.

Inalagaan ka naman niya habang nasa Korea kayo?

“Oo naman. Actually wala kaming choice kundi mag-alaga sa isa’t-isa. Yun, kaya nakakatuwa rin na meron kaming shoot sa Korea kasi bonding talaga kami eh. Meron pa ngang isang beses si Iya (Villania) lumabas kami nakawig kami. Buong araw talagang pinanindigan namin. Nakawig kami kahit hiyang-hiya na kami. Kasi siyempre wala namang masya­dong Pilipino sa Korea.

Tungkol naman kay Diet: “Nung una siyempre medyo awk­ward ako kay Diet kasi medyo senior kong artista eh. Baka hindi ko ito mahirit-hiritan. Kasi si Sam nabibiro ko kasi isang taon lang naman gap namin tsaka naktra­baho ko na rin naman siya. Pero ‘yun, narealize ko na ang bait pala nitong tao. Puwede siyang magloko, pero napakaresponsible din, alam mong napakatalinong tao pag kausap mo alam mong marami kang matutunan sa kanya,” sabi ng aktres tungkol sa aktor.                              (SALVE V. ASIS)

ANG SPOILED BRAT

KASI

LSQUO

NAMAN

NIYA

PERO

YUNG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with