Kim takot iwan ni Gerald
MANILA, Philippines - Aminado si Kim Chiu na natatakot siyang mag-isa sakaling matuloy ang tambalan ng kanyang ka-‘MU’ at loveteam na si Gerald Anderson at ni Sarah Geronimo. “Hindi ko alam kung kakayanin kung mag-isa o kung tatanggapin kami ng fans na ibang ka-loveteam,” sagot ng bagets na aktres na bagay ang kapayatan.
Kuwento pa ni Kim, wala naman silang commitment ni Gerald. “Para walang sakitan pag may nangyari,” sabi pa ni Kim.
Lumabas na ang balita na sina Gerald and Sarah na ang susunod na magtatambal pero nag-react negatively ang fans nila.
Samantala, tumapat ng Linggo ang 19th birthday niya. Pero tuloy ang trabaho. Nasa ASAP siya at gusto pa niyang tumanggap ng work after para wala siyang ibang maisip gawin.
Pero ayaw niyang magbigay ng particular na gusto niyang regalo ng ka-loveteam dahil baka ibigay na naman sa kanya.
Binigyan siya ni Gerald ng pink car last birthday niya na paminsan-minsan lang niya nagagamit.
Actually, napakabilis na nakalipas ang isang taon mula nang mag-celebrate ng kanyang engrandeng debut.
Same time last year, nadagdagan ang excitement ni Kim ng kumpirmadong siya ang gaganap na Jasmine sa local version ng sikat na Korean telenovela na My Girl. Sa My Girl nagsimula ang tambalan nila, mas kilala bilang Kimerald, sa mataas pang level ng stardom dahil naging top-rater ng ABS-CBN ang nasabing show. Dahil sa tagumpay ng show, nasundan agad ito ng My Only Hope at ngayon nga, ang Tayong Dalawa.
Kasama sa mga plano ni Kim ang kumuha ng acceleration test sa Department of Education para makapag-college siya. Plano niyang kumuha ng business course dahil alam niyang hindi naman lifetime ang career at kailangan niyang mag-invest. Nakabili na siya ng lupa na papatayuan ng bahay.
* * *
Kahit may demandahan sa pagitan ni GMA 7 executive Wilma Galvante at nanay ni Richard Gutierrez na si Annabelle Rama, mukhang may kakaibang magic or call it charm ang Zorro. Hataw ito sa rating sa GMA 7’s primetime block kaya nadadala nito ang mga ibang programa like Totoy Bato, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, All About Eve at ang Koreanovela na Fated to Love.
Kung sabagay, bongga ang story, production at ang mga artistang kasali sa Zorro sa pangunguna ni Richard.
Kaya nga sulit ang hirap at pagod nila sa taping sa Bagac, Bataan. “Si Chard and nagdadala, mabait, masipag, humble at marunong makisama,” sabi ng mga kasama ng aktor sa Zorro.
Samantala, isa si Richard sa mga recipients ng Fr. Neri Satur Special Citations for Media and Culture matapos kilalanin ang kanyang husay at epektibong pagho-host ng SIGNOS: Banta ng Nagbabagong Klima, ang unang full-length Philippine documentary ng GMA News and Public Affairs, na tumatalakay sa global warming na pinalabas noong Abril 20, 2008.
Bilang celebrity spokesperson ng Greenpeace, si Richard ay aktibo sa kanyang adhikain na ipahatid sa lahat ang masamang epekto ng climate change sa ating kapaligiran. Isa siya sa mga tagapagsulong ng pandaigdigang laban para protektahan ang inang kalikasan.
Si Manila Archbishop Gaudencio Cardinal Rosales ang main awardee. Pararangalan din ang ibang recipients na sina Timmy Cruz (eco-friendly artist) at si Francis Magalona na bibigyan ng posthumous award sa pagiging isang eco-friendly host.
Gaganapin ang awarding ceremony bukas, April 18, 1 p.m. sa NBN-4 studios, Visayas Avenue sa Quezon City.
Personal na tatanggapin ni Richard ang kanyang parangal. (SALVE V. ASIS)
- Latest