Comeback movie ni Ariel Rivera inirekomenda ng Catholic Church; Bunso ni Ruffa image Model na rin!
May pelikula pala na Padre de Pamilya ang pamagat at pinagbibidahan ito nina Ariel Rivera, Jaclyn Jose at Tessie Tomas.
May nag-invite sa akin sa premiere night ng Padre de Pamilya at nakita ko rin sa EDSA ang mga tarpaulin ng pelikula.
Obvious na family movie ito. Inirerekomenda ng simbahan ang pelikula dahil nabasa ko na binanggit ito ng mga pari sa kanilang misa noong Easter Sunday.
Malaking tulong ang rekomendasyon ng Catholic Church para tangkilikin ng ating mga kababayan ang comeback movie ni Ariel.
* * *
Image model ng isang line ng children’s clothes si Venice, ang bunsong anak ni Ruffa Gutierrez.
Nalaman ko ito nang makita ko na naka-display sa entrance ng isang department store sa Shangri-La Mall Plaza ang malaking litrato ng anak ni Ruffa.
Nalimutan ko ang pangalan ng children’s clothes na iniendorso ng bagets pero sure ako na si Venice siya dahil pamilyar na pamilyar ako sa face ng anak ni Ruffa.
Hindi ako magtataka kung maging artista rin si Venice kapag lumaki ito dahil nasa dugo niya ang pagiging artista.
* * *
Mapapanood sa TV5 at hindi sa IBC-13 ang Who Wants to Be a Millionaire? ni Vic Sotto. Sunud-sunod ang pralala ng TV5 na nakuha nila ang TV rights ng game show na ginamit sa Slumdog Millionaire.
Ito ang sagot ko sa tanong ni Sharry Lucas na nalito dahil nabasa niya somewhere na mapapanood sa IBC-13 ang game show ni Bossing. Baka maling impormasyon ang nabasa ni Sharry dahil dating napapanood sa IBC-13 ang show noong si Christopher de Leon pa ang host.
Ang Viva TV pa ang produ noon ng Who Wants to Be a Millionaire? ni Boyet at sa isang studio sa Parañaque City ang venue ng taping. Pabor kay Boyet ang location ng taping dahil malapit ito sa bahay nila ni Sandy Andolong.
* * *
Importante sa akin ang mga dear readers ng PSN kaya hangga’t maaari, inilalabas at sinasagot ko ang mga sulat na ipinadadala nila sa akin. Kung loyal readers ko sila, loyal din ako sa kanila. If not for them, I am nothing. O ’di ba, nagpapakalalim ako?
Anyway, may suggestion si Kirt Suazon para sa GMA Films. Halatang fan si Kirt ng mga pelikula ng GMA Films kaya may gusto siyang iparating sa mga kinauukulan na puwedeng makasagot sa kanyang mga agam-agam sa buhay.
Dear ‘Nay Lolit,
Magaganda ang movies ng GMA Films lalo na ang Sundo, ITALY at When I Met You, kaso hindi ito kumita ng todo-todo kumpara sa gawa ng Star Cinema. Observation ko po, may problem sa trailer ng GMA Films.
Hindi gaanong naibebenta, mas nakakatakot ang Sundo kaysa sa T2 pero gumanda lang ang trailer ng Sundo sa 3rd week run nito. Pero kung ako ang gagawa ng trailer ng Sundo bago ito ipalabas, gagamitan ko ng ganitong punchline. “BAGO MAG-SEMANA SANTA MAY MANUNUNDO SA IYO...MAGPAPASUNDO KA BA?”
Saka ipapakita ang mga nakakatakot na scenes. Ganoon din ang ITALY, ang ganda ng story pero boring ang trailer. Sana po ay magkaroon ang GMA Films ng magaling na trailer editor-director tulad noon, si Joey Gosiengfiao sa Regal Films.
Kahit sa mga TV shows nila, kulang sila sa plugging. Yung Black Saturday drama nina Marian Rivera at Dennis Trillo, ang ganda kaso kulang sa plugging at hindi kagandahan ang trailer. Suggestions lang po ito, kasi nanghihinayang ako sa mga movies ni Ms. Annette Gozon, ang gaganda kaya dapat tumabo rin ito ng P100 million sa takilya.
Sana rin ay ituloy na ang remake ng movie version ng Full House starring Marian and Richard Gutierrez or Dingdong Dantes or Dennis.
Sana pagsamahin din sa movie sina Angel Locsin at Marian para magkaalaman na kung sino talaga ang maganda at magaling umarte. More power sa GMA Films!
- Latest