^

PSN Showbiz

Crossing Borders bagong kakampi ng OFW

-

MANILA, Philippines - Ang mga bagong bayani, may bago ng kakampi. Simula ngayong Huwebes (Apr 16), mapapanood na sa the ABS-CBN News Channel (ANC) ang isang programang sasagot sa lahat ng katanungan ng mga Overseas Filipino Workers at ng mga Pilipinong nais mag-abroad.

Tatawirin ng Crossing Borders ang iba’t ibang isyu sa pangingibang-bansa tulad ng paghahanap ng trabaho o tahanan, pangangasiwa ng pera, at pangungulila sa pamilya.

Pangungunahan ng magaling at batang-batang immigration lawyer na si Atty. Mike Templo ang pagbibigay ng payo at impormasyon, kasama pa ang ilang dalubhasa na handa ring makinig at magbigay liwanag sa mga isyu ng global Pinoys.

Aabangan din sa Crossing Borders ang mga kuwento ng mga Pilipinong nagtagumpay sa ibang bansa na tunay namang magbibigay ng inspirasyon sa ating mga kababayan. Para magpadala ng mga tanong o magbahagi ng kaalaman o karanasan, kailangan lang pumunta sa www.crossingborderstv.multiply.com <http://www.crossingborderstv.multiply.com

“Ang hangarin ng programa ay suportahan ang mga pangarap ng bawat Pilipino sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng sapat na kaalaman para makamit ang kasaganaan at seguridad saan man sila sa mundo,” paliwanag ni Templo.

Isa ring global Pinoy, nakamtam ni Templo ang kanyang diploma at lisensya sa abogasya sa Amerika, kung saan marami na siyang natulungang Pilipino na may problema sa imigrasyon.

Hindi biro ang naging karanasan ng 32 taon gulang abogado na nagtapos ng BA Philosophy sa Unibersidad ng Pilipinas. Bitbit lamang ang kanyang student visa, tumulak si Templo sa New York kung saan namasukan siya bilang waiter at umasa sa study grants para matapos ang kurso sa abogasya.

Ngayon, may sarili nang consultancy firm si Templo at marami pang matutulungang kababayan sa pamamagitan ng Crossing Borders.

Isa ang Crossing Borders sa limang orihinal na programa sa ANC sa 10:30 p.m time block. Mapapanood ang The Explainer: Dialogues ni Ma­nolo Quezon tuwing Lunes, IMO ni Mo Twister tuwing Martes, Start Up ni Bam Aquino tuwing Miyerkules, Crossing Borders tuwing Huwebes, at Storyline naman sa Biyernes.

BAM AQUINO

CROSSING BORDERS

HUWEBES

ISA

MIKE TEMPLO

MO TWISTER

NEW YORK

NEWS CHANNEL

TEMPLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with