Aktor inisnab ang imbitasyon ng actress
Ika-40th day ni Francis Magalona ngayon, April 15, at sa interview kay Pia Arroyo-Magalona, may misa, dinner at program silang gagawin na pamilya at close friends from showbiz, lalo na musician-friends of her late husband at kaibigan na rin ng pamilya nila ang mga imbitado.
Kaugnay nito, tinanggap ni Pia ang offer na tayuan ng rebulto ang asawa sa Eastwood, malapit sa area ng Walk of Fame ni German Moreno. Mas pabor daw si Pia na tayuan ng rebulto ang asawa kesa Walk of Fame, pero nag-thank you pa rin siya kay Kuya Germs.
Maalaalang naging controversial ang move ni Kuya Germs na parangalan at isama si Francis sa Walk of Fame sa December dahil kung kailan wala na ito saka pa naalalang parangalan. May paliwanag dito ang TV host at nakiusap na rin na ‘wag nang intrigahin pa ang gagawin niyang pagkilala sa contribution ni Francis sa showbiz.
* * *
Inimbita ang actor-politician ng isang actress sa big event na gagawin para mag-guest. Nag-decline ang actor hindi dahil wala siyang time, kundi ayaw niyang magamit sa publisidad before and after the big event na tiyak mangyayari dahil pilit siyang inuugnay sa actress.
But of course, iba ang sinabing rason ng actor-politician sa pagtanggi sa imbitasyon ng actress at hindi ‘yung real reason. Tsika sa amin, hindi na ito natutuwa sa pagli-link sa kanya sa actress at wala siyang makitang dahilan kung bakit sila nali-link. Tiyak din siyang hindi galing sa kampo niya nagsimula ang pagli-link sa kanila ng actress.
* * *
Binalak ni Lani Mercado na mag-enroll sa Ateneo ng Continuing Studies on Leadership & Management bilang paghahanda kung matutuloy siyang pumasok sa pulitika. Eleven weeks ito tatagal, pero nahuli siya sa enrollment, kaya maghahanap na lang siya ng bagong slot.
Kongresista sa bagong distrito ng Bacoor, Cavite ang tatakbuhan ni Lani at sabi ni Sen. Bong Revilla, susuportahan niya kung anong tatahakin ng asawa at susundin nila ang kaloob ng Diyos. “Sana maging successful ang tatahakin niya,” wish ni Sen. Bong. (Nitz Miralles)
- Latest