Shaina masyadong selosa kay John
Hindi pa sigurado pero malamang sa hindi, makukuhang endorser si Katrina Halili ng Calayan couple. Ayaw tiyakin ni Doc Manny pero sinabi niyang negotiations are underway para makuha nilang endorser ang sexy star.
Samantala, dumating na ng bansa ang aesthetic surgeon mula sa US na kung saan ang kanyang kabiyak is undergoing treatment para sa isang karamdaman sa muscles na hindi naman gaanong malubha pero posibleng lumala kapag hindi nila inasikaso.
Resulta ito ng pagdidyeta ni doktora Pie na halos wala nang kinakain sa kagustuhang mamintina ang kasalukuyang pangangatawan. Stress-related din ito. Ito ang dahilan kung bakit wala sa debut ng kanilang anak na si Hannah.
Sa kasalukuyan, bukod sa kanyang kaabalahan sa kanilang mga klinika, nakagawa ng isang album para sa Bell Records si Doc Manny. Ito ay isang Celebrity Duets album na ang ideya ay inspired by Doc Manny’s having joined the pilot episode of the popular reality search program ng GMA 7. Pawang mga friendship songs ang nilalaman nito. Next month na ang release nito.
“Nung una, akala ko may nanggu-good time lang sa akin dahil sa e-mail idinaan ang offer. Hindi ko pinansin. Pero nang nakakatatlo na itong e-mail, nag-decide akong bigyang pansin. Nag-set ako ng meeting, doon na nagsimula ang lahat,” kwento ng magaling na surgeon.
* * *
Nagiging masyadong selosa yata si Shaina Magdayao sa kanyang boyfriend na si John Prats. It was John himself who informed us during the presscon of Parekoy noon na ayaw siyang payagan ni Shaina na mag-guest sa Banana Split.
Ngayon naman ay pinagbabawalan daw nito ang boyfriend na magkaro’n ng kissing scene. Ganun? Maaapektuhan naman ang trabaho nito. Eh si John, walang bawal sa dalaga kasi naiintindihan ng bf ang kanilang trabaho. Bakit siya hindi?
Alam kaya ni John na medyo magpapa-sexy uli si Shaina sa Kambal sa Uma? Kung hindi pa, hindi siya ang tipo ng lalaki na hahadlang sa growth bilang aktres ni Shaina. Sana maging ganito rin kalawak ang isip ng aktres.
* * *
Bukod sa gagawin niyang serye sa Dos kasama sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales, nakatakda ring gumawa ng isang pelikula si Lorna Tolentino na tipong Tanging Yaman para sa Star Cinema. Makakasama niya ang bida sa May Bukas Pa na si Santino (Zaijian Jaramilla).
* * *
Kung si Richard Gomez ay tuluy-tuloy ang training sa baseball, volleyball naman ang sport ng kanyang anak na si Juliana at inenrol ni Goma ang anak sa Milo’s Summer Clinic para mahasa sa larong ito.
Sinabi ni Richard na iba ang activity nila ng anak kaysa sa activity nito with her mother Lucy.
Dahil lumalaki na ang anak, sinabi ni Goma na mas gusto niyang matagal pa bago magpaligaw o maligawan si Juliana.
- Latest