Sexy actress ipinahiya ng assistant director nang ma-late
Hindi pa man sinisimulan ang taping, may isyu na kung sino talaga kina Marvin Agustin at Dennis Trillo ang main lead sa bagong primetime series ng GMA 7 na Adik sa ’Yo. May nagsasabing sina Marvin at Jolina Magdangal ang pinakabida sa romance comedy series at second lead lang sina Jennica Garcia at Dennis.
Pumalag ang mga fans ni Dennis dahil ayaw nilang mag-second lead ang actor kay Marvin dahil acting-wise, mas magaling daw ang paborito nila kay Marvin.
May nagsasabi namang sina Jennica at Dennis ang talagang bida at sina Marvin at Jolina ang second lead dahil ang Adik sa ’Yo ang ipinalit sa hindi muna itinuloy na Pinoy adaptation ng Coffee Prince.
Bago mag-away-away ang mga fans ng Marvin-Jolina at Dennis-Jennica, gusto naming ipaalam na silang apat ang bida sa rom-com series na papalit sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Sa storycon, malalaman kung sino ang iba pang kasama sa cast and this April na ang taping nila with Joel Lamangan directing.
* * *
Sa teaser pa lang ng Ang Spoiled Brat movie nina Michael V. at Ogie Alcasid, marami na ang natutuwa at nagtatanong kung kailan ang showing nito. Kaya lang, matagal-tagal pa silang mapapanood sa pelikula dahil uunahin ng GMA Films ang Maybe This Time nina Anne Curtis at Richard Gutierrez.
Tinatapos pa rin naman ni Ogie ang Oh, My Girl! nila ni Judy Ann Santos at wala pang napipiling director ang GMA Films sa Ang Spoiled Brat. Gusto raw nina Ogie at Michael V. na si Mike Tuviera ang magdirek ng movie at type nilang mala-Nieves ang dating nito. Hindi na trilogy ito kundi isang buong pelikula na.
Ang taray nga nina Angelina (Ogie) at Yaya (Michael V.) niya dahil bukod sa Bubble Gang, host din sila ng game show na Hole in the Wall at magkaka-pelikula na!
* * *
Ire-remake ng Regal Entertainment ang pelikulang Temptation Island kaya binawi nila ang rights nito sa ABS-CBN na naunang binili para gawing TV series. Si Chris Martinez na director ng stage play at 100100 ang kino-consider na magdirek ng remake ng pelikulang originally directed by Joey Gosiengfiao. Schedule ng director ang problema’t busy ito sa mga commercials.
Nauna nang nabalitang si Janina San Miguel ang gaganap sa role ng beauty queen sa pelikula’t bagay daw sa kanya. Pero, may kumontra’t mas bagay daw kay Rich Asuncion ang role lalo na sa ipinakita nito sa katatapos na Bb. Pilipinas pageant na nagpaliguy-ligoy ng sagot sa tanong na “what’s your lucky number and why?”
Para fair, ipapa-audition ng Regal Entertainment ang lahat ng mga characters sa pelikula, pero maganda ang suggestion ng isang reporter na bakit hindi pagsamahin sina Janina at Rich, bigyan ng maraming eksena at confrontation scenes para mas kwela.
* * *
May tsikang muntik maiyak ang isang sexy actress nang mag-guest sa isang show dahil sinigawan ng assistant director dahil late sa last rehearsal. Napahiya ito’t marami ang nakarinig nang sigawan siya ng assistant director.
Ang lalong ikinasama ng loob ng sexy actress, hindi lang siya ang na-late, pero siya lang ang na-single out at napagdiskitahan. Nadismaya rin ito dahil ang actress na related sa assistant director ay hindi ni-require mag-rehearse at nakatingin lang sa mga performers na isinalang sa rehearsal.
- Latest