^

PSN Showbiz

Brangelina, Clooney 'di nakita sa Boracay

- SEEN SCENE -

Seen: Balewala ang pagtatakip ni Andrew Wolfe ng T-shirt sa kanyang mukha dahil nakunan pa rin siya ng mga TV cameras habang nakaposas. Robbery ang kaso ni Andrew dahil sa pang-aagaw niya ng baril sa security guard sa isang mall sa Boracay.

Scene: Ang statement ni Shaina Magdayao na walang karapatan ang kahit na sino para husgahan ang kanyang kapatid na si Vina Morales. Walang naghuhusga kay Vina. Nagtataka lamang ang mga tao dahil ipinangangalandakan pa niya ang kanyang pagkakamali.

Magkaroon sana siya ng respeto sa legal wife ng kanyang boyfriend. Maging discreet kung ayaw mapag-usapan!

Seen: Magbabakasyon si Mark Herras sa Boracay. Normal na uli ang pakiramdam ni Mark pagkatapos isugod sa ospital noong Linggo dahil sa sobrang pananakit ng tiyan.

Scene : Walang Brad Pitt, George Clooney, at Angelina Jolie na nakita sa newly-opened Shangri-La Hotel sa Boracay.

Seen : Ang mag-asawang Cheska Garcia at Doug Kramer sa Rustan’s Shangri-La Mall noong Martes. Malaki na ang tiyan ni Cheska.

Scene : Ang music school ni Mau Marcelo sa bayan nila sa Quezon. Hindi pa successful ang singing career ng Philippine Idol winner kaya nagtuturo muna siya ng pagkanta.

Scene: Ang balita na P80,000 per taping na talent fee ni Jean Garcia sa GMA 7.

Hindi nawawalan ng project si Jean nang lumipat siya sa Kapuso network. Kinaiinggitan siya ng ibang artista.

vuukle comment

ANDREW WOLFE

ANGELINA JOLIE

BORACAY

BRAD PITT

CHESKA GARCIA

DOUG KRAMER

GEORGE CLOONEY

JEAN GARCIA

MARK HERRAS

MAU MARCELO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with