Say ni Gretchen kay Janina San Miguel, ' I don't even know that girl'
Nasa Subic sa Holy Thursday si Iza Calzado, tutulong siya sa concert na sponsored ng Bethesda Healing Ministry at performers sina Karylle, Jackielou Blanco at Ricky Davao. Kung inyong natatandaan, ang Bethesda ang tumulong ng counselling kina Karylle at Iza nang makipag-break sila sa kani-kanilang boyfriend.
Anyway, hindi problema kay Iza na bawal kumain ng meat this Holy Week dahil pesco vegetarian siya at fish, vegetables, and fruits na lang ang kinakain niya. Pati ang favorite niyang chocolate ay every Sunday na lang niya kinakain at wala siyang pinipili basta, chocolate, although ang favorite niya ngayon ay Milo nuggets at minsan, kumakain siya ng ube cake.
May nagtanong pala kay Iza kung bakit hindi ang role ni Sunshine Dizon sa All About Eve ang pinili’t mas mapuwersa ang karakter ni Erika kesa kay Nicole na ginagampanan niya? Hindi raw niya alam kung bakit at kung ano ang basis ng production, abangan na lang daw at lalaban na ng husto si Nicole kay Erika sa mga susunod na episodes.
Tonight sa All About Eve, nagulat si Nicole (Iza) na mas kinampihan pa ni Warren (Alfred Vargas) si Erika (Sunshine) at sinabihan siya ng binata na next time na awayin niya si Erika, siya na ang makakalaban nito. Tinapat din siya ni Warren na kahit siya ay kaya niyang talikuran para kay Erika at habang umiiyak, dumating si Kenneth (Mark Anthony Fernandez).
* * *
Sa launching ng kanyang Complicated album, natanong si Gretchen Barretto sa nasulat namin dito sa PSN na miniting ni Tony Boy Cojuangco si Janina San Miguel sa yate nito na nakadaong sa Manila Bay para sa pinaplanong show ng TV5 sa dalaga.
“That’s impossible” at “Not at my expense. I don’t even know that girl” ang mga sagot ni Gretchen na para bang inaagaw sa kanya ni Janina si Tony Boy.
Pero walang dapat ipag-react si Janina sa reaction ni Gretchen dahil ang nakarating sa kanya ay nali-link kay Tony Boy ang former beauty queen, eh malinaw ang pagkakasulat namin na kaya siya ipinatawag ni Mr. Cojuangco ay para sa isang show na pagbibidahan ng dalaga at ng isa pang beauty contestant sa Bb. Pilipinas.
Speaking of Janina, marami ang nakakakilala sa kanya kahit sandali lang ang reign niya bilang Bb. Pilipinas Miss International. Kuwento ng manager nitong si Manny Valera, minsan daw na naglalakad sila sa isang madilim na lugar ay nagulat na lang siya nang biglang may lumapit sa dalaga para magpapirma ng autograph. Naniniwala si Manny na malaki ang tsansang sumikat ni Janina sa showbiz lalo’t character ito.
* * *
Kung si Richard Gutierrez nalungkot na sa korte umabot ang away ng inang si Annabelle Rama at Wilma Galvante, SVP for Entertainment TV ng GMA 7, si Raymond Gutierrez ay umaasang may taong mamagitan sa dalawa para magkausap at maayos ang dapat ayusin. Ito’y kahit sinabi ng ina na wala ng chance para magkabati pa sila ni Wilma.
Sabi ni Raymond sa Showbiz Central last Sunday: “It’s not easy for me. My brother and the other talents of my mom, stand firm behind her. Alam ko ang ugali ng mom ko. She fights for her talents, but I also have to respect my boss. Napakahirap being in this situation. I just hope and pray matapos na ito. Sana, someone can mediate.”
Sino nga kaya ang puwedeng kumausap kina Ma’am Wilma at Annabelle para maayos ang dapat ayusin sa kanila nang hindi na umabot pa sa korte?
- Latest