Sharon-Richard movie 'di priority ng Star Cinema
Kasado na ang mga pelikulang gagawin ng Star Cinema bukod sa mauunang ipalabas na T2 - pelikula ni direk Chito Roño starring Maricel Soriano — sa Sabado, Black Saturday.
First time maglalabas ng horror film ang Star Cinema ng Sabado de Gloria, madalas daw comedy sila. Pero wala silang takot dahil kino-consider nilang suwerte ang nasabing playdate.
Lahat daw ng pelikulang pinalabas nila ay kumita kahit marami ang nagbabakasyon dahil Mahal na Araw.
Bukod sa isang buwan ang naging process ng special effects ng pelikula, pasok din sa T2 sina Carmen Soo at Jericho Rosales.
Yup, kasama sila. Pero ayaw i-reveal ng Star Cinema kung ano’ng role nila sa ginawang press briefing ng Star Cinema group kahapon.
Mismong si direk Chito raw ang namili sa dalawa para magkaroon ng short appearance sa pelikula ni Ms. Maricel.
After ng showing sa bansa, mag-iikot sa iba’t ibang bansa ang nasabing horror film ni Maria.
Susunod na ipalalabas ang And I Love You So starring Bea Alonzo, Sam Milby at Derek Ramsay. Parang malungkot ang kuwento ng pelikula dahil parehong nakaranas ng sad moment sa kanilang buhay ang mga bida.
Bestfriends Forever na ang final title ng pelikula nina Sharon Cuneta and AiAi delas Alas. Pero contrary sa naglabasan, hindi pa pala sure kung pasok si Gabby Concepcion sa nasabing pelikula.
“Hindi pa napa-finalize si Gabby,” sabi ni Roxy Liquigan ng Star Cinema.
“Sayang naman kung Sharon-Gabby, dapat malaking project yun. Sama na natin si KC (Concepcion),” dagdag niya.
Kung pasok man daw sa movie si Gabby, the usual gimmick lang. Very short lang ang role.
Ang BFF bale ang Mother’s Day presentation nila. Three weeks nang tumatakbo ang shooting nina Sharon at AiAi.
Sayang at wala pang trailer or kahit rough video ang Bestfriends Forever.
Wala naman sa immediate projet nila ang Sharon C.-Richard Gomez project na nauna nang nabalita na magbabalik tambalan.
In My Life na ang title (na dating A Mother’s Story) ng pelikula ni Governor Vilma Santos with Luis Manzano at John Lloyd Cruz. May pinapanood na silang parang trailer. Parang ibang Vilma Santos nga ang nasa pelikula. Isa siyang librarian dito na nasa New York ang dalawang anak. Nang magpunta siya sa NY, mababago ang buhay niya.
Almost a month sa NY ang shooting nina Gov. Vi — 80% ng pelikula ay doon kukunan.
Mauunang umalis si John Lloyd dahil may concert pa ito for Heartthrobs.
Si Gov. Vi kasama na ang buong pamilya including NEDA Secretary Ralph Recto.
September ang schedule ng showing ng In My Life. “Na-feng shui nila, September ang lucky month ni Ate Vi,” paliwanag sa playdate ni Roxy.
* * *
Pambatang horror naman ang isa pa nilang sino-shooting ngayon starring Shaina Magdayao, Geoff Eigenmann, and Maja Salvador. Direktor ang anak ni Eddie Ilarde na si Rico.
Two weeks na silang nakakapag-shooting. Pero wala naman daw problema kay Geoff kahit sa GMA 7 ito may show sa kasalukuyan.
“Nag-usap na kami. Pelikula naman ito. Puwedeng-puwede siyang mag-promote,” paliwanag ni Roxy.
Wala pang title, pero tuloy na ang pelikula nina Sarah Geronimo, Vhong Navarro, Toni Gonzaga at Rayver Cruz. Mas mauuna raw ito kesa sa Sarah G.-Gerald Anderson movie dahil nagpoprotesta ang Kim-Gerald fans. “Mga next year na siguro yun,” sabi ni Roxy.
Yun namang tungkol sa pagtatambalang project nina AiAi at dating Presidente Joseph Estrada, ayon kay Roxy, after Holy Week pa sila magmi-meeting with ex-Pres. Erap kung saan magpi-present ang dating presidente ng storyline dahil ito pala ang gumawa ng story.
o0o
Tuloy na rin this year ang tambalan nina Aga Muhlach at Angel Locsin this year. (Speaking of Angel, almost three weeks pala itong nasa Korea para sa taping ng movie for TV na Only You kasama sina Diether Ocampo and Sam Milby. Kaya ang ending, umiiyak daw si Luis dahil sobra nang nami-miss ang girlfriend lalo na nga’t nag-birthday siya. Ang Only You ang papalit sa matatapos nang I Love Betty La Fea.)
May project din sina Gabby, Angelica Panganiban at Derek.
* * *
Naka-line up na rin sa Star Cinema ang pelikula nina direk Maryo J. delos Reyes at Jeffrey Jeturian.
Si Lorna Tolentino, confirmed na rin ang pelikulang gagawin with Santino (of May Bukas Pa) na isang family drama na parang Ang Tanging Ina.
Wala pa sa line up ng nasabing film outfit na pinakaaktibong film production ang another KC movie dahil priority nito ang Lovers In Paris na siniseryoso ang taping.
“Siya yung tipo ng artista na focused sa isang ginagawa. Ayaw niyang naglalagare except sa kanyang advocacies. Alam ko pupunta siyang Mindanao. Actually, pareho silang mag-ina. Gusto nilang naka-focus sa isang trabaho,” sabi ni Roxy.
Ang Lovers in Paris ang papalit sa matatapos namang Tayong Dalawa.
Yung Lorna Tolentino-Gabby series sa TV, tuloy na rin sa May.
- Latest