Kuya Kim hari na rin ng jungle
MANILA, Philippines - Parang si Tarzan lang kung mamasyal si Kim Atienza sa loob ng masukal na gubat at maging mababangis at ligaw na mga hayop ay kanya lang ininda.
Ano pa kaya ang hamon na kakaharapin ng nag-iisang trivia king mag-isa sa isla? Alamin na ang kasagutan sa pagpapatuloy ng kanyang summer island adventure ngayong Linggo sa Matanglawin.
Hindi lamang ang paghahanap ng makakain, maiinom at matutulugan ang kaniyang kakaharapin sa pagkakataong ito kung hindi pati na rin ang paggawa ng aboy upang pantaboy sa mababangis na hayop at panlaban sa posibleng pag-atake ng hypothermia.
Tuklasin din paggawa ng distress signal upang makatawag pansin sa mga posibleng maghatid sa inyo ng saklolo.
Samantala, sa pag-iikot ni Kuya Kim ay matutunghayan din ang iba pang itinatagong ganda at kayamanan ng isla ganoon din ang iba pang practical survival techniques kung sakaling ikaw ay ma-stranded mag-isa.
Huwag palalampasin ang isa na namang exciting episode mula sa multi-awarded educational program na Matanglawin ngayong Linggo 11:00 AM sa ABS-CBN.
- Latest