Album ni LT gold na!
MANILA, Philippines - Isang hot experience ang inihanda ng ASAP’09 para sa unang Linggo ng inyong Abril. Maiinit na production numbers ang inyong matutunghayan.
Tatanggap na ng kanyang gold-record award si Ms. Lorna Tolentino para sa kanyang Wings of the Soul album under Star Records.
Pakikiligin kayo ng hottest loveteams ngayon na sina Kim Chiu-Gerald Anderson, Carmen Soo-Jericho Rosales at Bea Alonzo-John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng isang song number.
Pasisilipin kayo ng ASAP sa pinaka-aabangang teleserye sa hapon, ang Kambal Sa Uma na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao at Melissa Ricks.
Handog naman sa inyo ng ASAP Sessionistas ang OPM’s most requested songs.
Binansagang Superhero For All Seasons, ipagdiriwang ni Luis Manzano ang kanyang kaarawan kasama ang kanyang ASAP Family kasabay ang isang kakaibang presentasyon.
- Latest