Richard 'di natuloy kay Juday
Second day kahapon ng shooting ng OMG! (Oh, My Girl!) movie nina Ogie Alcasid at Judy Ann Santos sa Regal Entertainment. Sa Boso-Boso, Antipolo ang location ni direk Dante Garcia at sa kuwento palang ng mga kinunang eksena’y natawa na kami.
May eksena ring sasayaw si Judy Ann at gagayahin ang pagsayaw nina Maricel Soriano at Alma Moreno at pati ang Tanduay TVC ni Phillip Salvador ay gagayahin. Idea ito ni direk Dante para mas nakakatawa ang pelikulang “wedding movie” raw nina Judy Ann at Ryan Agoncillo.
Kasama na rin sa cast sina Manilyn Reynes palit ni Bituin Escalante as the ghost singer ng character ni Judy Ann at si John Prats, kapalit ni Aljur Abrenica. Join din sa cast sina Carmi Martin at Roderick Paulate at sangkatutak na mga guest stars.
Samantala, sa last Saturday naman ng April ang airing ng comedy show nina Judy Ann at Ryan sa ABS-CBN entitled George and Cecil. Si Judy Ann ang si George rito at si Ryan ang si Cecil sa show na concept at directed ni Joey Reyes.
* * *
Ngayong araw umalis sina Richard Gutierrez at Rhian Ramos para mag-guest sa show ng Eat Bulaga at ng GMA Pinoy TV na rin sa New Jersey. Sa April 9 ang balik ng aktor dahil dideretso sa New York. Aalis at babalik ang aktor na ’di nagko-comment sa isyung kinasangkutan ng PEP na mauuwi pa yata sa demandahan.
Bago umalis, nakipag-meeting muna si Richard sa GMA Films para sa pelikulang gagawin niya rito at contrary sa una naming nasulat, hindi Ouija 2 ang gagawin ng aktor at hindi si Judy Ann ang kanyang makakasama.
Pelikulang pagtatambalan nila ni Anne Curtis na co-produced ng Viva Films at GMA Films ang gagawin ni Richard. Wala pa raw title ang pelikula (baka ayaw pa lang ipaalam) at ayaw pang pangalanan ang direktor at ang clue lang, may dinidirek na soap sa GMA 7. Kinunan na ang teaser nito at ipalalabas next week. Kundi June, July ang playdate ng pelikula.
First movie ito ng mag-ex na sina Richard at Anne na ang highlight ng relasyon ay nang kumalat ang kissing scene nila na kuha sa cellphone. Ngayon pa lang, may anggulo na sa publicity ng movie ng dalawa.
* * *
Wala na ngang season 2 ang Pinoy Idol at hindi rin Pinoy Pop Superstar ang singing search ng GMA 7, pero si Regine Velasquez pa rin ang host.
Ngayong Huwebes at bukas ang first scheduled audition sa SM Baliwag, April 18 sa SM Batangas, at April 24-25 sa SM Marikina. Sa mga mag-o-audition, be there at 10 a.m., magdala ng original at photocopy ng birth certificate, valid ID, two pictures (full body at close-up), and two audition materials (two minus one CDs).
Napansin pala naming wala ng balita sa birthday special na gagawin ni Regine sa Channel 7. Hindi na ba ito tuloy o naurong sa ibang petsa? Madi-disappoint ang mga fans ni Songbird kundi iyon matutuloy, marami pa naman silang suggestions. Sabagay, nasa Amerika si Regine sa US tour ng Divas 4 Divas, paano nga naman siya makakapag-taping?
* * *
Thursday sa All About Eve, nakalaya na si Katrina (Jean Garcia) at sa bahay ng kanyang lawyer muna siya tumira. Tuloy naman ang closeness nina Kenneth (Mark Anthony Fernandez) at Nicole (Iza Calzado) at may dinner date sila.
- Latest