Richard halos ayaw nang umuwi ng Maynila
“Alam n’yo ba na kapag nasa location ako ng Zorro, nakakalimutan ko na nabubuhay ako sa modern era. Hindi lamang mga bahay ang luma sa set, pati mga costumes na ginagamit namin ay reminiscent of the 1800s, ang salitang ginagamit talagang Espanyol,” kuwento ni Richard Gutierrez nang minsan ay pasyalan siya ng press sa napakalayong location ng Zorro sa Bagac, Bataan.
“Ang haba ng trabaho namin, matagal kunan ang mga eksena pero pag napanood sa TV mabilis lamang. Pero sulit ang pagod namin dahil ang daming nagsasabing maganda ang show. I’m proud dahil sabi nila, tinangay ng Zorro ng pataas ang ratings ng lahat ng mga sumusunod ditong series – Totoy Bato, Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang, All About Eve, etc.- dati raw may mga shows na tinatalo sa ratings ng kabila but ever since na mag-start ang Zorro, all our shows are in No.1 position,” dagdag pa ni Richard.
Marami nang pagbabago ngayon kay Richard. Hindi na siya mahilig gumimik. “Nagsawa na ako. Sobrang focused ako ngayon sa work – sa fencing, horseback riding. I am given this chance only once kaya pagbubutihan ko na. Bihirang mangyari ito sa buhay ko kaya itsi-cherish ko na ito,” dagdag pa ng guwapong actor.
Bihira nang umuwi ng Manila si Richard. Dinala niyang lahat ang mga ‘toys’ niya sa location para siya malibang. Lalo na ang kanyang jetski.
Sa April 2, he’s off to New York. Mawawala siya ng isang linggo, until the 9th,, with brother Ritchie Paul.
“I will have a vacation. I will visit some of my high school friends who are now living there. I will have a cruise, I will watch some Broadway shows, even the NBA games sa Madison Square Garden,” he says excitedly.
- Latest